may Himno sa CHER Bus
October 4, 2007Sabado nang gabi noon, abala ako sa pinakagusto kong gawin nitong mga nakaraang araw, ang pagtunganga sa labas mula sa bintana ng malamig na CHER BUS. Siyempre, marami na naman akong bitbitin noon, expected na yon dahil Sabado (Kung di mo alam kung bakit, okay ritwal ko yon. Ibig sabihin, mag research ka sa National Library.) Ayokong maramdamang nangangarag ako, dapat relax lang.
Ayokong mabuwang dulot ng mga pangyayaring nagaganap sa aking kapaligiran, sa loob at labas ng aking sistema. Ayokong mangarag dahil lamang sa pag-iisip ko sa tambak na trabaho na naghihintay sa akin pag-uwi ko ng bahay. Ang dapat ko lamang gawin noong mga panahon na iyon, sa isip-isip ko, e ang mag-aliw, at aliwin at hayaang tangayin ang kaluluwa ko ng aking diwa.
So, lumalalim na naman ang aking pagtatagalog. Pasensiya na, hindi dapat ganito ang bihis ng post kong ito. Ayun, so with my headset plus the radio phone ng aking moto, ay enjoy na enjoy ko ang trip na iyon. malapit na ako sa Magallanes. Dalawa lang naman ang radio station ko, LOVE RADIO, tsaka WROCK.
Ewan ko ba, pero masaya talaga ako sa kanila. I feel the comfort of their music, kahit minsan, malutong pa sa kornik ang joke sa Love RADIO, ayos lang. Green Peace naman ako e. hala nahahawa na ako!
Si Ricahera ng LOVE RADIO ang nakasalang sa ere nang mga oras na iyon.
Gustong gusto kong pinapatugtog ang "Sundo" habang nasa biyahe ako. Wala lang, tamang trip kase, pakiramdam ko eh, ako ang bida sa MTV ng Imago. Wala lang.
Matapos ang Sundo ng Imago e, narinig ko na lang yung kanta.
oo' yung kanta.
Ang ganda ng boses nung kumakanta.
Ang ganda ng lyrics ng kanta.
Ang ganda ng melody ng kanta.
Ang ganda ng indayog ng kanta.
Ang ganda ng pagkakaareglo nung kanta.
madaling tandaan yung tono ng kanta
Kanta. OO yung kanta. Hindi ko alam yung kantang yun. Di ko alam kung sino ang kumakanta. Pero alam ko, narinig ko na 'yon. Oo' narinig ko na yon. Tiyak kong hindi iyon bunga ng aking minor alzheimer.
Narinig ko na iyon, siguro, nung panahong napaka bata pa ako. Ewan ko kung anung taon, ewan ko kung saan. Ewan ko kung kailan, pero alam ko narinig ko na iyon.
Mula EDSA hanggang Pampanga, di na maalis ang tono ng kantang iyon sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon. hindi ko alam kung anu un. May sumpa kayang dala ang kantang 'yon? Malay ko.
Matapos ang aking tatlong araw na LSS sa kantang to.
Nahanap at natagpuan ko na rin sa wakas.
Salamat sa aking mga kaibigan. Salamat sa Dios!
Bisyo na ‘TO!
June 15, 2007
Buti na lang at may gamot na sa matinding trapik sa umaga. Bago pa mag init ang ulo mo at mahampas mo ang katabi mo sa bus, o bago mo mapagbuntunan ng asar ang katabi mo sa fx, bat di mo itry humanap nang outlet.
always remember that there is a silver lining behind the dark clouds.. Waaaahhh!!!! napapraning na naman ata ako. gudluck na namn saken bukas nang umaga.


