Si Magaling, Maselan, at Maparaan
June 8, 2008Walang mapanood sa Tv, Pinoy Idol? Hoo! parang Amateur Singing Contest lang, ang pinagkaiba, ang PI (Pinoy Idol) nasa TV, tatlo lang ang judges, at may konting drama para bongga. ang Amateur Singing Contest, konting Fiesta, konting entablo, konting amplifier, konting baklang Host na mapanlait, at konting kumikinang at nakakabulag na costume ng mga contestants, ayos na. At ang judges? ang buong barangay, si kapitana, ang Komite de pistejos at ang Iyong mga kapitbahay na naghihintay kung papaano ka mapahiya. Siyempre, umaatikabong tsimisan na naman yan bukas.
Wala ako sa function ngayon, kaya eto. Si kaibigang PC na naman ang kaharap. naghahalungkat ng kung anu ano. ilang oras ko pa lang na nahihiwalay sa SDC e, namimis ko na sila. wooh.. drama.
Nais ko nga palang ipakilala ang mga ilang tauhan sa SDC na may kakaibang ugali.
Una,
SI MAPARAAN - siyempre, maparaan siya, sa lahat ng pagkakataon maparaan siya. Gumagamit siya ng kapangyarihan na hindi napapansin ng ibang tao maliban sa akin , siyempre makakalagpas ba siya saaking mapanuring mga mata. mala mata ni Anghelita yata ito.
- kapag gumagamit siya ng kaniyang kapangyarihan, nag aanyong pigurin ang mga taong nakapaligid sa kanya at sa kanyang Prey. Masaya ang lahat oo, pero nagbibling bling ang kanyang imahe sa gitna nilang lahat dahil sa kaniyang kaligayahan.
pangalawa,
SI MASELAN - siyempre, maselan siya. No! baka ang iniisip mong maselan e yung mala kutis sibuyas. No! Maselan siya meaning MUSCLE-LAN. marami ring tawag sa kanya, tinawag na rin siyang Heart Rub, Child Abuser, Mateenie Idol at iba pa. Mabait naman siya kaya marameng na lilink sa kanyang mga tao. Baka nga kasama ka sa mga nabiktima na Niya e
- Hindi ako Bitter sa kanya. haha
Pangatlo,
SI MAGALING - mag-ingat sa taong ito, hindi siya mukhang masama. Pero, Siya si magaling. want some evidences? kinakanta niya ang tono ng tenor kahit mamilipit at magkalagot lagot na ang litid niya sa Leeg. Magaling din siya makakuha ng tono kumapra sa conductor namin hehe. medyu trulagen naman daw sabe ni conductor. haha
- to prove you more na magaling siya here is one of his statements: “Ah, ganun ba boses ni R***? AMpanget naman.”, hahaha.. Aminin mo yan. Siya Si magaling
haha, yan lang muna. kung feeling mo this is offensive. post your comments Here; xD
Pesteng Uhog
Napaka sama ng pakiramdam ko ngayon, parang gusto kong iumpog sa pader ang ulo ko. Sipon na parang kumapit na sa lalamunan ko at duon nag pakasaya na ang mga bacteria, kamote. ang kate nila! Hindi ako makaawit ng maayos, trip ko pa naman ngayon mag jammin dahil isang barangay na ang SDC. Gusto ko na rin samantalahin ang mga pagkakataon na kasama ko sila dahil sa malamang e, magiging isang napaka BUSY na mundo na naman ang babalikan ko. Tae! pasukan na ulit!
sa dami ng dapat kong tapusin, sa dami ng dapat kong gawin e malamang sa malamang na may mapabayaan ako dahil nakisali pa ang mga staphyloccocus na bacteriang ito sa lalamunan ko. ANg init ng pakiramdam ko;
Marwin: Nako dapat lagnatin ka, para gumaling ka kaagad
Lagnaten! wah, hindi na ka schedule ang lagnat sa akin for this week. Kailangan ko pa munang unahin ang kalandian ni Ginoong G. para maibsan ang mga trabaho ko at maging maluwalhati ang back to skul moment ko.
Nakakalungkot dahil may mga problema pa na pilit nagsusumiksik sa aking schedule na siksik liglig at umaapaw sa mga activities. Wheew! grabe, mamamatay na ata ako.
Speaking of patay, may lamay pa palang aawitan ang SDC mamaya, lamay ng tatay ni Archie. hay, makasama kaya ako, baka kase habang nakatindig ako sa harap e mag collapse ako at ako na ang sunod na awitan ng grupo. wah! wag naman sana, di ko pa tapos ang assignment ko kay Ginoong G na marapat dapat daw ipasa sa first day. ang galeng diba ! “Be absent, but not on the first day! ” Gusto ko siyang palakpakan ng bonggang bongga! sabay sabitan ng isang malalubid na sampaguita at may ilang ilang sa dulo o kaya naman e hiramin ko muna ang Everlasting flower sa altar at isabit sa kanya. Syet.
Kailangan ko ang tulong Judy Ann Santos, di ako makahinga… neozep, decolgen, rugby, glue, o kung anu man.. wah .. kailangan ko makahinga ng maaayos.
Tatapusin ko na to dahil tumutulo na ang uhog ko. ge!
Go Yellow! kulay Uhog
SDC Modelos on Spotlight
May 30, 2008
And this is my favorite photograph as of now..
I would like to thank my sponsors for this master piece
thanks sis rose leslie Natural for capturing this very moment
thanks DOST FNRI Auditorium for the Niche shared to us
thanks Sis Cherry Mendoza for the Johnson and Johnson Powder
thanks Al Mu Enterprises (sa may Quiapo un e) for my accesorial cloth, di ko alam tawag dun e
thanks Bro Chris Paycana for the Bottled water
And most of all, to my partner… sis Armida Gawaran
Palakpakan natin, mga sarili natin…
klap klap klap!
Impostora, Impostoro, Impostor
June 25, 2007
Sa Dami ng mukha na masasalubong mo sa Divisoria, Recto at mga lugar na lintik ang dami nang mga tao, mag amok ka kaya kung masalubong mo ang isang tao na kamukha mo.
Nakakapangilabot. Nakakataas ng balahibo. Lalo na kung SDC ka at may masalubong kang ganito. Gud luck na lang sa yo. (Bilin: Bago suyurin ang mga susunod na larawan ay tiyaking nasa malusog na kalagayan ang takbo ng iyong pangangatawan, Iwasan ang pagbibiro, labis na pagtitig at pag-aatubiling di normal. )
Naniniwala ka ba sa "Doppelganger". Do you believe that there is a being
or a person in this world that has the same
(more…)







