Sa Mundong Para lang sa Isa, ‘Di Maaaring maging Tanga
March 24, 2009Kung noo mo’y laging nakukunot
At Pinapatay ka ng lubhang pagkabagot
Dali daling kunin papel na maaabot
Iwaksi pakiramdam na nakayayamot
Simulang pagmasdan letra at tinta
Hugutin sa utak na mabiyaya
Isulat na mainam kapagdaka
Anumang bagay nasok sa kaluluwa
Unti-unting paliparin isipa’t damdamin
Hayaang mapadpad sa’n man ihantong ng hangin
Nasain mong ikaw nga’y tangayin
Ihahatid ka sa maligayang lupain
Di maiiwasang ikaw nga’y mapara
Muling mabulid sa mga ala-ala
Mga anino ng kahapong tinakasan na
Narito’t nahahandang dalawin ka
Kabagutan mo nga’y tiyak na mawawala
Hahalinhan ng araling natutunan na
NaSa landas ng buhay bawal maging tanga
huwag muling magpakatanga, O taong nakatanga
==============
Nagawa ko to habang nababagot
Naghihintay mag alas singko
OJT moments
Pinaka nakalulumbay Na Tula
March 29, 2008sa isang sulok ng web ay natagpuan ko ang madramang tulang ito..
Nang una kong mabasa ang tulang ito, parang may kung anung humimay humimay sa kaibuturan ng akong mga kalamnan.
basahin ng mataimtim….
Damahin, lagyan ng background music, pang retreat dapat.
Ngayong Gabi Aking Isusulat . . .
ni Pablo Neruda (salin ni Maximo Macaraig)
Ngayong gabi isusulat ko ang pinakamalungkot na tula
Isulat halimbawa, "Ang gabi’y pira-piraso
at ang mga bituin ay nilalamig sa malayo."
Umiikot ang hangin sa langit . . . at umaawit
Ngayong gabi isusulat ko ang pinakamalungkot na tula
Minahal ko siya, at minsan minahal niya rin ako
Sa mga gabing tulad nito, hinawakan ko siya saking mga bisig
At hinalikan ng paulit-ulit sa ilalim ng walang-hanggang langit
Minahal niya ako, at minsan minahal ko rin siya
Paanong hindi mo iibigin ang mga tila niyang mata
Ngayong gabi isusulat ko ang pinakamalungkot na tula
Para isiping wala na siya sa aking piling, para maramdamang wala na siya
Para marining ang matinding liwanag, na mas matindi pa kahit wala siya
At ang mga berso’y nahuhulog sa damdamin na parang hamog sa damuhan
Ano ang dahilan at ang pag-ibig ko’y di sya kayang pigilan?
Ang gabi’y pira-piraso at wala siya sa tabi ko
Ito lamang. Sa malayo may umaawit. Sa malayo.
Ang damdamin ko’y di mapalagay na siya’y nawala na.
Ang paningin ko’y hinahanap siya na parang tutungo sa kanya
Ang puso ko’y hinahanap siya, at siya’y di ko kasama
Ang dating gabing nagliliwanag, ang dating puno
Kami, noong mga araw, ay hindi na ang dating kami
Hindi ko na siya mahal, tiyak yan. Ngunit kung paanong minahal ko siya!
Hanap ng aking tinig ang hangin upang madampi sa kanyang panrinig
Sa iba. Siya’y mapupunta sa iba. Tulad ng aking mga halik
Ang kanyang tinig, maaliwalas na katawan, malalim na mata
Hindi ko na siya mahal, tiyak yan. Ngunit baka mahal ko siya
Maikli ang pag-iibigan, mas matagal ang paglimot
At ito ang mga huling bersong isusulat ko para sa kanya
Dahil sa mga gabing tulad nito, hinawakan ko siya saking mga bisig
Ang damdamin ko’y di mapalagay na siya’y nawala na.
Kahit na ito ang huling sakit na idudulot niya sa akin
===============================================================================================
hay… ang saket sa puso. Matagal na akong hindi nahahaplos ng matitimyas na wika ng isang tula.
At heto ako.. nagmumuni, nagbubulay, at sinasariwa ang nakaraan kasaliw ng tulang ito na tila payapang paru-paro sa dumadapo sa aking puso.
matatalim ang mga salita, mayumi, marupok, nakabibihagni, nakalulumbay
ang orihinal na kopya nito ay nalimbag sa wikang Espanyol
Ipagbunyi ang lahing macaraig..
Salamat ha, Salamat
Dalangin Sa Dinadalanginan
June 13, 2007Inihahatid ako ng mga yapak ng naturingan
Nang sa samyo ng hangin dagli akong napailamlam
Sa ilalim ng makapal na ulap na hiram
Waring inaalalayan sa marupok kong mga hakbang

Sa matingkad na sinisinta'y nahahalina
Ang mga mata kong nahihimlay sa wikang tudla
O! alimuong nang kamatayang kinukuyom ng Aria
Sa tenga ko'y Carinyosang walang kaipala
At sa pagtahak na muli sa bantayog na uliran
Dalangi'y Pahiran ng langis ng kasiyahan
Nang sa pag-aatubili ko'y di na mabahiran
At nang maiharap na ang kaluluwa kong kasantusantusan


