Pinaka nakalulumbay Na Tula
March 29, 2008sa isang sulok ng web ay natagpuan ko ang madramang tulang ito..
Nang una kong mabasa ang tulang ito, parang may kung anung humimay humimay sa kaibuturan ng akong mga kalamnan.
basahin ng mataimtim….
Damahin, lagyan ng background music, pang retreat dapat.
Ngayong Gabi Aking Isusulat . . .
ni Pablo Neruda (salin ni Maximo Macaraig)
Ngayong gabi isusulat ko ang pinakamalungkot na tula
Isulat halimbawa, "Ang gabi’y pira-piraso
at ang mga bituin ay nilalamig sa malayo."
Umiikot ang hangin sa langit . . . at umaawit
Ngayong gabi isusulat ko ang pinakamalungkot na tula
Minahal ko siya, at minsan minahal niya rin ako
Sa mga gabing tulad nito, hinawakan ko siya saking mga bisig
At hinalikan ng paulit-ulit sa ilalim ng walang-hanggang langit
Minahal niya ako, at minsan minahal ko rin siya
Paanong hindi mo iibigin ang mga tila niyang mata
Ngayong gabi isusulat ko ang pinakamalungkot na tula
Para isiping wala na siya sa aking piling, para maramdamang wala na siya
Para marining ang matinding liwanag, na mas matindi pa kahit wala siya
At ang mga berso’y nahuhulog sa damdamin na parang hamog sa damuhan
Ano ang dahilan at ang pag-ibig ko’y di sya kayang pigilan?
Ang gabi’y pira-piraso at wala siya sa tabi ko
Ito lamang. Sa malayo may umaawit. Sa malayo.
Ang damdamin ko’y di mapalagay na siya’y nawala na.
Ang paningin ko’y hinahanap siya na parang tutungo sa kanya
Ang puso ko’y hinahanap siya, at siya’y di ko kasama
Ang dating gabing nagliliwanag, ang dating puno
Kami, noong mga araw, ay hindi na ang dating kami
Hindi ko na siya mahal, tiyak yan. Ngunit kung paanong minahal ko siya!
Hanap ng aking tinig ang hangin upang madampi sa kanyang panrinig
Sa iba. Siya’y mapupunta sa iba. Tulad ng aking mga halik
Ang kanyang tinig, maaliwalas na katawan, malalim na mata
Hindi ko na siya mahal, tiyak yan. Ngunit baka mahal ko siya
Maikli ang pag-iibigan, mas matagal ang paglimot
At ito ang mga huling bersong isusulat ko para sa kanya
Dahil sa mga gabing tulad nito, hinawakan ko siya saking mga bisig
Ang damdamin ko’y di mapalagay na siya’y nawala na.
Kahit na ito ang huling sakit na idudulot niya sa akin
===============================================================================================
hay… ang saket sa puso. Matagal na akong hindi nahahaplos ng matitimyas na wika ng isang tula.
At heto ako.. nagmumuni, nagbubulay, at sinasariwa ang nakaraan kasaliw ng tulang ito na tila payapang paru-paro sa dumadapo sa aking puso.
matatalim ang mga salita, mayumi, marupok, nakabibihagni, nakalulumbay
ang orihinal na kopya nito ay nalimbag sa wikang Espanyol
Ipagbunyi ang lahing macaraig..
Salamat ha, Salamat
ang FISHBALL sauce ko, patikim?
August 28, 2007Inhale
Exhale
Inhale
Exhale
Palabas na sila ng Iskwela,
Akala niya ay isang pangkaraniwang pag-uwi lamang ang gabing iyon,
lalabas ng gate, ngingiti kay MAnong Guard at ihahanda ang sarili para hindi maholdap ng mga mapanganib na elemento sa Maynila.Nakasabay niya si Quin, isang kaibigang nakakiligan din niya noon. May malaki itong bahagi sa kaniyang puso, di nga lang niya kayang maibulalas.
Quin: Fishball tayo
Neri: Cge, libre mo ko.
Quin: haha, di ka pa rin nagbabago. Tara.
Habang naglalakad sila sa kalsadang naging kaibigan na rin niya nang ilang taon ay napatingin siya sa mga bituin.
"Nakakapanibago" ani Quin
"Bakit naman," sagot ng nagmamaang maangang si Neri.
"wala naman, tingnan mo, di pa rin nagbabago yung lasa ng Fishball" sabi ni Quin.
"Oo nga, ewan ko kung anung hinahalo ni manong. Siguro nasa sauce" napangiti siya nang may nagpagtatakang nasabi ni Neri ito.
"Tara, upo tayo dun."
"San?"
"Dun O, sa may tabi ng bakery."
"Sige"
at ang bawat minutong lumipas ay nagmistulang mumunting galak na nabubuo at nahahanda nang maramdaman ng dalawang nilalang.
Tumingin si Neri sa kaniyang relo, pero nabanaagan lamang niya ito, naghahanap siya nang oras sa kaniyang relo pero wala siyang nasumpungang sagot. tanging tik tak nito ang tanging tumugon. "MAy relo ka pa" waring sagot ng mga kamay ng nito.
hawak pa rin nila ang stick ng fishball. naroon pa rin si manong guard. naroon pa rin si Nanding, ang fishballs at ang sauce, naroon pa rin ang mga bituin, ang buwan, ang payapang langit, at ang mapanghalinang haplos ng hangin sa gabi.
pinunasan ni Quin ang natirang sauce sa gilid ng kaniyang labi.
sa pag-uusap nila'y nalakaran muli nila ang pasilyo ng kanilang paaralan nung highschool; muli nilang natikman ang unang JS; muli nilang nalasap ang gulaman na sabay nilang iniinom habang nakatanaw sa palubog na araw; muli nilang nahawakan ang sulat kapwa nila sa isa't isa; muli nilang nadama ang una nilang "kilig."
gabi na, puno pa rin nang masasayang ala ala ang paligid nila.
Neri: ganun ba?
Quin: Oo ganun nga.
dahan dahan niyang pinunasan ang kaniyang mga luha. puspos ng awa, at pang hihinayang.
Lumapit siya sa tabi at nagsabi, "mahal naman kita e, ayoko lang ipakita"
lumapit si mang nanding, "o, gabi na una na ako. umuwi ka na. baka maholdap ka pa dito. Nag-iisa ka pa naman"
"Masaya naman mag-isa di ba?" iiling iling na tinulak ni Nanding ang kariton ng Fishball.


