Pinaka nakalulumbay Na Tula
March 29, 2008sa isang sulok ng web ay natagpuan ko ang madramang tulang ito..
Nang una kong mabasa ang tulang ito, parang may kung anung humimay humimay sa kaibuturan ng akong mga kalamnan.
basahin ng mataimtim….
Damahin, lagyan ng background music, pang retreat dapat.
Ngayong Gabi Aking Isusulat . . .
ni Pablo Neruda (salin ni Maximo Macaraig)
Ngayong gabi isusulat ko ang pinakamalungkot na tula
Isulat halimbawa, "Ang gabi’y pira-piraso
at ang mga bituin ay nilalamig sa malayo."
Umiikot ang hangin sa langit . . . at umaawit
Ngayong gabi isusulat ko ang pinakamalungkot na tula
Minahal ko siya, at minsan minahal niya rin ako
Sa mga gabing tulad nito, hinawakan ko siya saking mga bisig
At hinalikan ng paulit-ulit sa ilalim ng walang-hanggang langit
Minahal niya ako, at minsan minahal ko rin siya
Paanong hindi mo iibigin ang mga tila niyang mata
Ngayong gabi isusulat ko ang pinakamalungkot na tula
Para isiping wala na siya sa aking piling, para maramdamang wala na siya
Para marining ang matinding liwanag, na mas matindi pa kahit wala siya
At ang mga berso’y nahuhulog sa damdamin na parang hamog sa damuhan
Ano ang dahilan at ang pag-ibig ko’y di sya kayang pigilan?
Ang gabi’y pira-piraso at wala siya sa tabi ko
Ito lamang. Sa malayo may umaawit. Sa malayo.
Ang damdamin ko’y di mapalagay na siya’y nawala na.
Ang paningin ko’y hinahanap siya na parang tutungo sa kanya
Ang puso ko’y hinahanap siya, at siya’y di ko kasama
Ang dating gabing nagliliwanag, ang dating puno
Kami, noong mga araw, ay hindi na ang dating kami
Hindi ko na siya mahal, tiyak yan. Ngunit kung paanong minahal ko siya!
Hanap ng aking tinig ang hangin upang madampi sa kanyang panrinig
Sa iba. Siya’y mapupunta sa iba. Tulad ng aking mga halik
Ang kanyang tinig, maaliwalas na katawan, malalim na mata
Hindi ko na siya mahal, tiyak yan. Ngunit baka mahal ko siya
Maikli ang pag-iibigan, mas matagal ang paglimot
At ito ang mga huling bersong isusulat ko para sa kanya
Dahil sa mga gabing tulad nito, hinawakan ko siya saking mga bisig
Ang damdamin ko’y di mapalagay na siya’y nawala na.
Kahit na ito ang huling sakit na idudulot niya sa akin
===============================================================================================
hay… ang saket sa puso. Matagal na akong hindi nahahaplos ng matitimyas na wika ng isang tula.
At heto ako.. nagmumuni, nagbubulay, at sinasariwa ang nakaraan kasaliw ng tulang ito na tila payapang paru-paro sa dumadapo sa aking puso.
matatalim ang mga salita, mayumi, marupok, nakabibihagni, nakalulumbay
ang orihinal na kopya nito ay nalimbag sa wikang Espanyol
Ipagbunyi ang lahing macaraig..
Salamat ha, Salamat
Batung-bato ka na ba? Rock-Rockan na! (Lundo)
September 11, 2007Di ko na namalayan ang Oras habang binabasa ko ang libro ni Bob Ong.
Dinala ako ni Bob Ong sa isang lipunang tumatambad sa akin sa araw araw na hindi ko nabibigyan ng pansin. Isang katotohanang nasa paligid natin.
sapamamagitan ng Realismo ay lutang na lutang ang imahe ng isang kabataang PILIPINO sa panahong ito.
Mahirap, mayaman, kumakain ng daga o nagpapasasa sa PSP lahat ay may kwento.
Ginamit ng may akda ang bolpen ng mga balita sa radyo, telebisyon at pahayagan upang ilantad ang nakaririmarim na kalagayan ng kabataan sa panahong ito. Isang kabataang hinubog ng isang mapaniil at di makatarungang lipunan, isang kabataang nasasadlak sa kahirapan na naging sanhi ng pagkapariwara ng landas datapuwat nagsusumikap, lumalaban sa daluyong ng sakim na kapalaran. At sa huli, nangibabaw pa rin ang katotohanan na sila ay kabataan, mahina, musmos at api-apihan ng lipunang kanilang ginagalawan.
Wari ko'y umuulan ng mura sa Power books habang binabasa ko ang librong 'to. Tila binabad muna ni Bob Ong kanyang mga bida sa isang batyang mura, bago naging isang epektibong tauhan sa nobela. Mga salitang tila nakakapagpanting ng tenga datapuwat pambahay na kasuotan lamang sa isang Pilipinong totoo at di nagpapakitang tao. Mga salitang maririnig mo na sa umpukan ng mga kabataan sa iskwaters area o minsan pa ngay sa mga tambayan ng mga may kaya at mayaman.
Ipinakita rin dito ang kasalaulaan ng Pulisya. Mga nasa kapangyarihan na kunwa'y abala sa pagdakip ng masasama pero kubrador pala ang mga walangya, nakikishare pa sa kita ng mga snatcher. At kapagdaka'y sila pala ang magagaling.
Di maiialis ang isyu ng Kahirapan pag ganito ang mga topic ng nobela.
para akong nasisiraan ng bait habang binabasa ang nobela, buti na lang at walang nakapansin nuon sa loob ng bookstore. Pinaghalong Comedy, drama at tragedy ang tangay tangay ng libro.
Di ko namalayan na matatapos ko nang basahin ang libro. at PAMATAY! talaga ang ending!
Kung titingnan mo sa mababaw na interpretasyon e mga tae na ayaw pang mamahinga sa kabilang buhay ang pinatutungkol ni Bob Ong sa pinaghugutan niya ng title ng kaniyang libro, pero kung sa isang malalim na pag-uusisa e makikitang ang tunay na lundo nito ay nagtatapos sa atin, sa bawat isang kabataang bida sa kani-kaniyang buhay.
Bibigyan ko ng 8 star ang nobela, mga 8.5 pa nga.
Pinakilala niya ang mga tauhan sa isang kakaiba at mahusay na paraan
kawawa naman si AMADEUS
nakakainis nga lang ang ending para kay Cyrus,
Pero panalo din ang pag ganap ni Aling Sendang
at sa iba pang SABOGALOIDS na karakter! the best ka BOB ONG!
Kung ISa kang ABNORMALITE! nakahanap ka na ng katapat mo. kaya payo ko! basahin mo rin 'to! pero wag mo kong 2laran. Bilihin mo!
Verbo
August 28, 2007
Naghukay ako sa blog site ko sa friendster, tinamad akong gumawa ng bago kaya eto, copy-paste mode muna ako.
As time goes by, many people, friends, colleagues, and acquaintances always seemingly ask me, why did I always tend to write or create posts and write-ups using the not so familiar or “out of this world” Filipino language. When they read my creations, they sometimes go crazy to understand the things, ideas and words they sometimes called “understandable.”
Well, haha. Sometimes, I refuse to answer them right away. First I ask my self. Do I need to explain all the things that I do, act or say? Do I need to keep on staying on the probable norms of every individual that I encounter in my life? Is it my responsibility to elucidate to you all the words that comes from my mouth? And the weird things that pop on my weird wits, maybe all those things are unmanageable, involuntary.
I remember, when I was in Secondary level of “learning”, my classmate told me, “Hey Robert, I come to think on the idea that maybe in the near future I will see you shouting at Mendiola, wearing black t-shirt and having some stubborn wounds, blood”/”Hoy Robert, alam mo naisip ko, pagdating nang araw, makikita kitang sumisigaw sa Mendiola, nakusuot ng itim na t-shirt at mayroong mga di matanggal na sugat, dugo.” He said that maybe because he and all my classmates back then are always used on my profound Filipino words. I cannot blame them, merely because like what my Professor in Physics 1 said “…naging estudyante ko, ayun natuto nang magsalita ng malalim na tagalog, tas ngayon namundok na.”/ “… she is one of my students back then,then she knows how to speak peculiar weighty tagalog words, and know she is in the mountain.”
I do not know where they get their thinking that only the activists have the right to choose those words. And relatively, we might go on to the conclusion that for you as a normal citizen of the republic, you shouldn’t be inclined speaking with those kinds of philosophical or heavy tagalog words. That principle is truly weird for me.
One of the things that really bump my head every time I read our High school memorabilia, is the part of the book wherein some informal recognition was stated. And the part where citations for special students with special character where highlighted and will be passed to the next batch.
One of the lines stated there was: “Ang katatasan naman ni Robert Lue Asturias sa Wikang Filipino ay muling makikita kay… (I forgot the name of the guy)” And for that, maybe I should be proud of. To God be the Glory of course.
And that is me, should I say, like music those kinds of creations, essays, editorials, poems, short stories and writings that I made are like sweet melody into my ears when they are used with a bulk of figures of speech in the Filipino background. I am a kind of a writer that do not tend to spoon feed my reader. Sometimes, I should use those words to let them come to think on the unseen truth beneath them, and let them realize that they are a part of the ink I used in writing those creations. Judge it not with your eyes, but with the heart that can see the deepest meaning of a word.
Each and eveyone of us has strengths and weaknesses. But beyond all of this things one thing is Important. You should use these things in building the better you, touching someone's life and making it worthy in the Eyes of the Creator.
:::Kwentong DragonFLY:::
August 10, 2007
turn edit on. edit page title. the pilgrim. basura. bura. isip.
…
pagkatapos ng tatlong tuldok na yun, wala pa rin akong na isip.
isip ule.
…
kwentong tambay
edit page title. tipa. kwentong tambay
d pede. d namn ako tambay, adventurous nga ako dba.bura ule. basura.isip
…
tutubi.weird.
tuldok. tuldok. tuldok.
…
oo nga tutubi. tama.
biglang nanariwa sa aking isipan ang isa sa mga paborito kong nobela. Ang Tutubi Tutubi, Wag Kang Magpahuli Sa Mamang Salbahe. nagkatagpu kami ng nobelang ito nung nasa high school pa ako. enjoy cia basahin. isang nobela ni Jun Cruz Reyes na ginamitan nya muli ng estilong satire gaya ng kanyang maikling kwentong utos ng hari.
Tutubi, Tutubi, Wag Kang Magpahuli sa Mamang Salbahe (UP Jubilee Student Edition)
Ni Jun Cruz Reyes
University of the Philippines Press
Copyright 2004
ISBN: 971-542-448-1
5×8, 224pp
Ang Tutubi, Tutubi, 'Wag Kang Magpahuli sa Mamang Salbahe ay pagtatangka ng awtor na isalaysay ang mga unang araw ng batas militar "sa panahong hindi puwedeng sabihin nang deretso ang nasa isip." Bunga ito ng kanyang eksperimento sa paggamit ng satire upang masabi ang bawal "nang hindi makakagalitan" o sa paraang matatawa lang ang nakarinig (mula sa Paunang Salita ng may-akda). Nanalo ang nobelang ito ng grand prize sa Palanca noong 1982. Unang inilathala ng New Day Publishers noong 1987, nagkamit din ito ng National Book Award mula sa Manila Critics Circle.
kapanapanabik ang mga eksena sa bawat pahina ng nobela. d pa ako nabubuhay nung martial law. at di ko sinubukang mangarap sa mga oras na iyon na bawal kang magpagabi sa lansangan. aba di pwede Iyon ngayun ano. baka kada may function e nasa kulungan ako kinabukasan. kaya sapamamagitan ng nobelang ito e parang nakarating na rin ako sa bahaging iyon ng kasaysayan. nag ala tv show na "Bayani" na naman ako habang nag-iisip. masyadong malayo ang narating ng nobela. may paliguy liguy.
may mga tagpong nakakatawa. ang mga karanasan nya sa kamay ng mga pulis; ang paglalakad niya sa maynila. Nang mapansin niyang CCP na ang dating bahagi ng anyong tubig. naroon ako. nang mag-isa siyang manuod ng sine. nang kumain siya nang mag-isa sa karinderia at naharas siya ng isang matandang puta. naroon din ako. Nang ikwento nya isa-isa ang mga kaibigan niya, at nang dahil sa gutom ay kumain sila ng kangkong sa tabi ng kaibigan niya, naroon ako. nang himatayin na si Jojo dahil sa sobrang gutom, naroon ako. Sabi sa inyo may pag ka bayani program ang mga eksena e. at marami pang masasaya at malulungkot na tagpo sa nobela. Basahin nyu na lang at tiyak maeenjoy Kayo.
well, dun ko hinugot ang bagong titulo ng blogsite kong ito.
pero may twist,
nitong umaga kase, naalimpungatan ako dahil sa balasubas kong pusa. nagising ako dahil sa likot niya sa kama ko. nagising ako, at nakita kong may kagat na tutubing kalabaw sa bibig si migs. hayop na pusa, parang di pinapakain. napaisip din ako bigla, napatigil. pinapakain ko nga ba cia? ilang sandali akong natunganga.
sinampal kong muli ang sarili ko. sinaway ko na rin si migs habang masaya niyang pinaglalaruan ang tutubing kalabaw.
wala nang malay ang kawawang tutubi.
nag-orasyon na ako.
matapos ang ritwal, pinagmasdan ko muli si migs habang pinaglalaruang walang sawa ang tutubing wasak wasak na ang pakpak. anu nga ba naman ang laban ng pakpak niya sa matatalas na kuko ni migs. walang awang hayup laban sa walang buhay na nilalang.
matapos ang pagninilay, napabuntong hininga ako. nasabi kong mukha rin pala akong tutubi, mahina, walang magagawa. walang magagawa kung wala ang pakpak. di makalipad, kung walang pakpak. di makalaban kung wala ang pakpak.
di man ako maya,di man ako agila. makalilipad din ako.
di man ako monkey-eating eagle, makalilipad pa rin ako gaya ng australian hawk
di man ako si pigeotto, kaya kong lumipad gaya ni butterfree
di man ako gaya ng kalapating pinapakawalan pag may kasal, alam ko makalilipad , ako gaya ng love birds na nakalilipad pag pinapakawalan sa hawla ng makukulit na kapit-bahay namen.
pero alam ko kaya kong lumipad ng mataas, gaya ng mga pulang tutubi sa PUP na nakaaabot lampas 6th floor, mga mala mulawin.
kaya kong makalipad kahit mahina ang pakpak. basta't may tumutulong sa akin.
mararating ko ang narating ng kaibigan kong agila at maya.
kaya kong lumipad.
| Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon sa nagpapalakas sa akin. |
| Mga Taga-Filipos 4:13 |
| Ang Dating Biblia |
wag lang akong magpapahuli sa pusang salbahe.
edit on. edit page title.
Tutubi, Tutubi 'Wag Kang Magpahuli sa Pusang Salbahe
nang lumigaya
July 17, 2007
And yes, I was late yesterday. But in God's grace, my professor in Electromagnetics is not yet around.
Non sense.
Enough on that.
This post is really about the buzz that keeps on annoying my free spirit while Im on the bus this morning. I Hope that you can get something out of this selection.
***************************************************************************************************************************************************
***************************************************************************************************************************************************
MINIMITHI
(DESIDERATA)
Salin ni Pete Lacaba
Lumakad nang mahinahon
Sa gitna ng ingay at pagkukumahog, at alalahanin
Ang kapayapaang maaaring makuha sa katahimikan.
Walang isinusuko hanggat maaari,
Pakitunguhan nang mabuti ang lahat ng tao.
Sabihin ang iyong katotohanan nang tahimik at malinaw;
At makinig sa iba, kahit sa nakayayamot at mangmang;
Sila man ay may kasaysayan.
Iwasan ang mga taong mabunganga at palaaway,
Sila'y ikinaiinis ng kalooban.
Kung ihahambing mo ang sarili sa iba,
Baka yumabang ka o maghinanakit; sapagkat laging
May lilitaw na mas mahusay o mas mahina sa iyo.
Ikalugod ang iyong mga tagumpay at saka mga balak.
Manatiling interesado sa iyong hanapbuhay,
Gaano man kaaba; ito'y tunay na ari-arian
Sa pabago-bagong kapalaran ng panahon.
Maging maingat sa iyong negosyo;
Sapagkat ang daigdig ay puno ng panlilinlang.
Subalit huwag maging bulag sa kabutihang makikita.
Maraming nagsisikap na makamit ang mga adhikain;
at sa lahat ng dako,
Ang buhay ay puno ng kabayanihan.
Maging tapat sa sarili. Higit sa lahat, huwag magkunwari.
Huwag ding libakin ang pag-ibig:
Sapagkat sa harap ng lahat ng kahungkagan at kawalang-pag-asa,
Ito'y lagi't laging sumisibol, tulad ng damo.
Tanggapin nang mabuti ang mga payo ng katandaan,
Buong-giliw na isuko ang mga bagay-bagay ng kabataan.
Pag-ibayuhin ang lakas ng loob,
Ito'y pananggalang laban sa biglaang kasawian.
Subalit huwag ikaligalig ang mga haka-haka.
Maraming pangamba ang likha ng pagod at pangungulila.
Bagamat kailangan ang sapat na disiplina,
Maging magiliw sa sarili.
Ikaw ay supling ng sanlibutan.
Katulad ng bituin,
May liwanag kang taglay.
At anupaman ang iyong gawin,
Itong sanlibutan ay narito
Sa paligid mo.
Kung gayon, pakisamahan ang Panginoon,
Anuman ang pananaw mo sa kanya.
At anuman ang iyong pinagkakaabalahan at minimithi,
Sa maingay na kalituhan ng buhay,
Pakisamahan ang iyong kaluluwa.
Sa kabila ng lahat ng pagkukunwari, kabagutan,
at gumuhong pangarap,
Maganda pa rin ang daigdig.
Mag-ingat. Sikaping lumigaya.
—————————————————————————————————————————————————————————–
Ito'y alay ko sa mga kaluluwang tinitigang ng malamlam na init ng araw.
Ikaw, Ako Magkakapatid
Isang Araw at Anim na Hamog
June 26, 2007Naglalakad ako sa isang eskenita sa ilalim ng isang nakatirik at nangangaso ngasong araw. Waring sa bawat paghakbang ng aking paa ay isang nakapupugnaw na hangin ang humahampas sa magkabila kong pisngi. Di pa rin nagbabago, gaya pa rin ng dati. kasabay ng pag-indayog ng aking mga kamay sa paglakad ay gayon ang isip at diwa kong kumakandi kandirit.
Tinalunton ng malikot kong diwa ang hamog na madalas kong kausap noong bata pa ako. Ang hamog na taga aliw ko sa tuwing pinapalo ako ni ama dahil sa pagtawid ko sa "kabilang pader." Nananabik ako sa kanya na
(more…)








