Si Magaling, Maselan, at Maparaan
June 8, 2008Walang mapanood sa Tv, Pinoy Idol? Hoo! parang Amateur Singing Contest lang, ang pinagkaiba, ang PI (Pinoy Idol) nasa TV, tatlo lang ang judges, at may konting drama para bongga. ang Amateur Singing Contest, konting Fiesta, konting entablo, konting amplifier, konting baklang Host na mapanlait, at konting kumikinang at nakakabulag na costume ng mga contestants, ayos na. At ang judges? ang buong barangay, si kapitana, ang Komite de pistejos at ang Iyong mga kapitbahay na naghihintay kung papaano ka mapahiya. Siyempre, umaatikabong tsimisan na naman yan bukas.
Wala ako sa function ngayon, kaya eto. Si kaibigang PC na naman ang kaharap. naghahalungkat ng kung anu ano. ilang oras ko pa lang na nahihiwalay sa SDC e, namimis ko na sila. wooh.. drama.
Nais ko nga palang ipakilala ang mga ilang tauhan sa SDC na may kakaibang ugali.
Una,
SI MAPARAAN - siyempre, maparaan siya, sa lahat ng pagkakataon maparaan siya. Gumagamit siya ng kapangyarihan na hindi napapansin ng ibang tao maliban sa akin , siyempre makakalagpas ba siya saaking mapanuring mga mata. mala mata ni Anghelita yata ito.
- kapag gumagamit siya ng kaniyang kapangyarihan, nag aanyong pigurin ang mga taong nakapaligid sa kanya at sa kanyang Prey. Masaya ang lahat oo, pero nagbibling bling ang kanyang imahe sa gitna nilang lahat dahil sa kaniyang kaligayahan.
pangalawa,
SI MASELAN - siyempre, maselan siya. No! baka ang iniisip mong maselan e yung mala kutis sibuyas. No! Maselan siya meaning MUSCLE-LAN. marami ring tawag sa kanya, tinawag na rin siyang Heart Rub, Child Abuser, Mateenie Idol at iba pa. Mabait naman siya kaya marameng na lilink sa kanyang mga tao. Baka nga kasama ka sa mga nabiktima na Niya e
- Hindi ako Bitter sa kanya. haha
Pangatlo,
SI MAGALING - mag-ingat sa taong ito, hindi siya mukhang masama. Pero, Siya si magaling. want some evidences? kinakanta niya ang tono ng tenor kahit mamilipit at magkalagot lagot na ang litid niya sa Leeg. Magaling din siya makakuha ng tono kumapra sa conductor namin hehe. medyu trulagen naman daw sabe ni conductor. haha
- to prove you more na magaling siya here is one of his statements: “Ah, ganun ba boses ni R***? AMpanget naman.”, hahaha.. Aminin mo yan. Siya Si magaling
haha, yan lang muna. kung feeling mo this is offensive. post your comments Here; xD
Pesteng Uhog
Napaka sama ng pakiramdam ko ngayon, parang gusto kong iumpog sa pader ang ulo ko. Sipon na parang kumapit na sa lalamunan ko at duon nag pakasaya na ang mga bacteria, kamote. ang kate nila! Hindi ako makaawit ng maayos, trip ko pa naman ngayon mag jammin dahil isang barangay na ang SDC. Gusto ko na rin samantalahin ang mga pagkakataon na kasama ko sila dahil sa malamang e, magiging isang napaka BUSY na mundo na naman ang babalikan ko. Tae! pasukan na ulit!
sa dami ng dapat kong tapusin, sa dami ng dapat kong gawin e malamang sa malamang na may mapabayaan ako dahil nakisali pa ang mga staphyloccocus na bacteriang ito sa lalamunan ko. ANg init ng pakiramdam ko;
Marwin: Nako dapat lagnatin ka, para gumaling ka kaagad
Lagnaten! wah, hindi na ka schedule ang lagnat sa akin for this week. Kailangan ko pa munang unahin ang kalandian ni Ginoong G. para maibsan ang mga trabaho ko at maging maluwalhati ang back to skul moment ko.
Nakakalungkot dahil may mga problema pa na pilit nagsusumiksik sa aking schedule na siksik liglig at umaapaw sa mga activities. Wheew! grabe, mamamatay na ata ako.
Speaking of patay, may lamay pa palang aawitan ang SDC mamaya, lamay ng tatay ni Archie. hay, makasama kaya ako, baka kase habang nakatindig ako sa harap e mag collapse ako at ako na ang sunod na awitan ng grupo. wah! wag naman sana, di ko pa tapos ang assignment ko kay Ginoong G na marapat dapat daw ipasa sa first day. ang galeng diba ! “Be absent, but not on the first day! ” Gusto ko siyang palakpakan ng bonggang bongga! sabay sabitan ng isang malalubid na sampaguita at may ilang ilang sa dulo o kaya naman e hiramin ko muna ang Everlasting flower sa altar at isabit sa kanya. Syet.
Kailangan ko ang tulong Judy Ann Santos, di ako makahinga… neozep, decolgen, rugby, glue, o kung anu man.. wah .. kailangan ko makahinga ng maaayos.
Tatapusin ko na to dahil tumutulo na ang uhog ko. ge!
Go Yellow! kulay Uhog
Global Warming ng Serenea
June 6, 2008Amoy alimuong ang paligid dahil biglang umulan. Buti naman at dininig ang panalangin ng mga nanlilimahid na Pilipino dahil sa Init ng panahon ngayon.
Weather Issued At: 5:00 p.m., 06 June 2008
Synopsis : Easterly wave affecting Eastern Visayas and Mindanao. Ridge of High Pressure Area (HPA) across Luzon.
Metro Manila
![]() 24°C to 35°C |
Light to Moderate East-Southeast Manila Bay: Slight to Moderate |
Dahil sa tindi ng init ng panahon, e wala nang maisip na sisihin ang mga tao sa paligid ko kundi ang lumalalang Global Warming sa panahong ito.
“Ang init init ng panahon, ramdam na ramdam ko ang Global Warming”
“Anu ba! wala na ba akong magagawa kundi tingnan na nilulusaw na tayo ng Araw dahil sa Global Warming”
“Pakshet! Global Warming”
Ilan lang yan sa mga txt messages na receive ko, mga sama ng loob na sa akin nila ibinubuhos.
Nakakatuwang isipin na sa kabila na tapos na ang summer season e parang ngayon pa lalong umiinit ang panahon. At nakakatawang isipin, na matapos natin magreklamo sa matinding init ng panahon ay makikita na lang natin na lumulubog na ang bahay ninyo dahil sa baha sa mga susunod na mga araw.
at sa mga susunod na araw ay bahagi na tayo ng Dyesebel, bahagi na tayo ng Serenea.Wooh! haha
Letra
June 1, 2008Nauubliga akong magtipa at magtipa ng letra. Dahil napupuspos pa rin ako ng pagtitiwalang, ang mga letra ay aking kakampi, kakwentuhan at kaibigan.
Hindi mo maikakailang naranasan mo nang masaktan dahil naramdaman mong waring hindi ka umiiral sa mundo. Naranasan mo rin minsan na maging malungkot at magkubkob sa isang sulok tangan ang kabagutan at takot na iyong nadarama.
T ipa ako ng tipa, tipa ako ng tipa, dahil naniniwala ako na ang mga letra ay buhay. Nananalig ako na ang mga letra ay buhay, nagiging bahagi ng AKO, nagiging AKO, nagiging AKO.
Tipa ako ng tipa, dahil sa mga letra naibubuhos ko ang damdaming sumisilakbo sa aking kaluluwa. Mga mumunting titik na kung pagsasama samahin ay lilikha ng bulong, mga tinig, at mga himig ko na hindi ko maibulalas. Mga salitang tanging naikukubli ko lamang sa hinimay himay na pariralang impit, humihibik.
Mga kaibigan ko na sila mula pa nang una. Lalong naging kaibigan ko sa mga panahong ako’y nag iisa. Mga kaibigan kong walang naikukubli sa akin, sapagkat sila’y aking likha, sapagkat sila ay AKO, sapagkat sila ang AKO.
Mga likha lamang sila, datapuwat umuukilkil sa aking puso. Mga pintig ng aligatang damdamin kong hapo sa nakahihilo, nakalulumbay at mapang alipustang tinuturing turingan. Sila ang mga tunay na kaibigan. mga letra kong naging AKO, mga letra kong naging aking MUNDO.
Pagtawid
May 30, 2008Isa sa mga pinaka paborito kong experience ay ang pagtawid sa pedestrian lane tuwing umaga. Nakatutuwang pagmasdan ang mga taong tumatawid, iba’t ibang uri, iba’t ibang pinanggalingan. Malalaki, maliliit, lahat ay sabay sabay na humahakbang sa gitna ng kalsada upang makatawid. Makarating sa kanilang paroroonan.
Marami sa atin ang nakararanas nito. Malamang, lalo na kung wala kang wheels. Araw-araw, marami tayong tinatawid, marami tayong nilalampasan, marami tayong nakakasalubong.
kahit na hindi pa ako ganoon katanda sa edad, marami na rin akong mga nakaharap, nakasama at nakasalumuha sa buhay. Hindi man ganun karami, pero alam kong marami.
Iba’t ibang ugali, iba’t ibang pananaw at paniniwala sa buhay.
Maraming makulit, lalo na’t mga kakontemporaryo ko ang karamihan sa mga nakapaligid sa akin. Sa pag tawid, marami kang makakasabay, sa kaliwa at kanan man, sa likuran o sa harap mo man, naliligiran ka ng mga taong kasabay mong tumatawid. Mga kagaya mong naghihintay ng hudyat sa tamang pagtawid, naghihintay ng tamang panahon upang sa paglikha ng desisyon ay hindi malisya at hindi maging sanhi ng kapahamakan.
At kung mangyari nang makarating ka sa kabilang bahagi ng lansangan, muling haharurot na ang mga sasakyan. Muli nang tatakbo ang magulo at masalimuot na mundo ng mga naglalakihang behikulo. at sa ganoong mga pagkakataon, naroon kang muli, nakatanaw, pinanunuod ang mga sasakyang nagsasalimbayan, mga bagay na gumugulo, nagpapalito, at nagdudulot ng pagkapagal ng iyong marupok na katawan.
SDC Modelos on Spotlight
And this is my favorite photograph as of now..
I would like to thank my sponsors for this master piece
thanks sis rose leslie Natural for capturing this very moment
thanks DOST FNRI Auditorium for the Niche shared to us
thanks Sis Cherry Mendoza for the Johnson and Johnson Powder
thanks Al Mu Enterprises (sa may Quiapo un e) for my accesorial cloth, di ko alam tawag dun e
thanks Bro Chris Paycana for the Bottled water
And most of all, to my partner… sis Armida Gawaran
Palakpakan natin, mga sarili natin…
klap klap klap!
Let’s CHILL adiksyon
April 10, 2008WAH! Kung alam ko lang kung gaano ba talaga kasarap tong frost blends ng Jollibee noon pa, hayy.. sayang e di di ko sana ginastos ang kaperahan ko sa akala ko’y masarap na Float ng MCDO.
Sayang, e di ito na sana ang palagi kong hinihingi sa mga taong nagkakawang gawa sa akin. mga Good Samaritan baga, mga biyaya nang langit na sobrang nabiyayaan at hobby ang panlilibre sa mga taong nakapaligid sa kanya, mga less fortunate, gaya ko.
Ang kwento: isang mainit na hapon noon, ang kasuotan ko? ayun parang aatend ng binyag daw o kaya naman e kumpil. e anung kasalanan ko, malay ko ba na dadramahan nila yung report na yun at magcocostume sila na animo’y may JS!.
So ayun na nga, naka white lang ako na polo, parang MMC style tas, nakamaong. Expected, dahil summer na ngayon, napakatindi ng init, parang ayoko na kumilos, parang bawat sinag ng araw e nakalalapnos sa maselan ko pa ngang balat. at matapos ang pakikibaka ko sa PNR at alikabok na umalimbukay sa gitna ng riles, nakakastress na nakakahagard ang pakiramdam.
sumakay na ako ng jeep s alabang, nagdadalawang isip pa ako, dahil parang gusto pa ngang mag gala ng aking mga paa at mapadpad sa SM Muntinlupa. Pero, sobrang antok na ako, umuwi na lang ako at yun. bumaba ako ng Muntinlupa bayan.
Sa pagbaba ko ng Jeep, bigla akong sinalubong ng isang nakangising Jollibee, animoy nanghahalina, nang-aakit. pumasok ako sa store, akala ko malamig, hindi rin pala.
+hm.. One Frost Blend po
- ay, Choco jelly na lang po ang meron kame
+aw, ganun ba.. cge ok lang.
-ching ching, dine in or take out?
+take out
-sir, paki hintay na lang po.
+ ok
tagal pa nga oh, napansin ko ang paligid, halos wala pa ring pag babago ang Jollibee bayan, ang hintayan namin nun, lugar ng tagpuan nuong hayskul, natatandaan ko, pag nananalo kame ng kung ano ano noog elementary, si Jollibee ang sagot sa aming tanong na "ano naman ang prize?".
Marameng nag flash back sa pagkakataong iyon. Dun nga pala yung lugar kung saan kinamuhian ako ng kaklase ko nung hayskul dahil sahumigit kumulang isang oraas kong pag kalate.. wahaha
at siyempre.. makakalimutan ko ba naman yun, e yun yung lugar na hmm.. secret.
aw, dumating na si Frost Blend, nginitian ako nung crew na babae, parang ka age ko lang. cute cia in fair ness..Natawa nga ako sa sarili ko, dahil parang may slow motion effect ang pag tayo ko sabay pag tingin nya sa aken, wala lang..
sinimulan ko na ngang lasapin ang biyaya ng Frost Blend. Suriin kung tama nga ang sinasabi ng mga Pamahiin na masarap nga siya.
at wahh.. totoo nga ang tsimis..
para kang nakarating sa rurok ng kaligayahan.. masarap siya, malamig, nakakatatanggal ng init, nakapapawi ng pagod at kalumbayan sa masalimuot na buhay ko ilang minuto lang ang nakaraan.
hayy.. anu nga ba naman ang Frost blends na ito.. napakasarap, nakapagpapaligaya.
Hindi ko na lang namalayan na mauubos na siya, nakakalungkot, pero sinulit ko lahat, walang tinira kahit isang jelly..
hayy.. nakakaadik na siya.. gusto ko pa,, gusto ko pa..
wahhh.. let’s Chill!
Panaginipans
Hindi na mabilang ang mga araw na hindi na muli ako nakakapagpost ng kung ano ano sa blogsite ko.. angdami dami na ngang mga nangyayare na hindi ko nailalagay sa munting sulok na ito.. hayyy di ko alam kung paano muli magsisimula, kung saan , huhugot ng mga ideya, at kung ano ano pa..
sana, makapanaginip ako ngayon, sana sa panaginip ko’y mapalad kong maapuhap ang mga diwang natigang ng nakasusunog na init ng araw..
kung ano ano ang mga napananaginipan ko nitong mga nakaraang araw.
a) kinuha daw ako ng UFO
b) nakatayo daw ako sa harap ng fertility tree
c) secret!
d) naglakad daw ako bigla, humalik sa kung anu ba yun
e) at.. ang malala, nasa CR ako.. (glenn: umiye!)
kung ano man ang ibig sabihin ng mga panaginip na yan, e malay ko..
Ang Bagong Sumbungan ng Bayan
Paabot mo naman sa kinauukulan ang talamak bentahan ng SHABU sa Ilaya St. Purok 7-C sa Alabang . Halos gabi-gabi may nakawan sa lugar at takot ang mga taong magsalita dahil wala rin namang hulihan na nangyayari o kaya nakakapagpiansa agad ang pusher.Tintawag ding Kalentong ang lugar na nasa likod ng dating Nestle malapit sa relis ng tren.Salamat
Aw, cge tuloy tuloy lang po..
at kelan pa naging sumbungan ng mamamayan ang Blogsite ko..
wakokok
anyways, maraming salamat..
sana’y sa maliit kong paraan ay makatulong po ako sa inyo…
ang inyong lingkod..
ROBERT
Tips Para maging Bata, Immature, Inosente at Tonta
March 28, 2008
Nakakayamurotskots dahil medyo ‘di na ko nakakapagpost. Maraming dahilan. Katamaran, busyness, katamaran, busyness, katamaran at busyness. Pero, hmm.. cguro nakatulong din yun para kahit papaano’y maexcite muli ako maglagay ng mga kung anu ano dito..
Isa sa mga nakapag painit ng ulo ko nitong mga nakaraang araw ay ang mga taong nagpupumilit mag-isip bata. mga nilalang na akala nila e nakakatuwa pa silang tingnan. Mga taong nagbabalik sa pagkabata, sinasadya, kahit gurang. keme’ di bagay ah.
Narito ang mga paraan, para mag-isip bata:
1. Magtatawag ng kuya at ate sa mga kakilala, acquaintance at nakakasalubong
2. Magpadulas sa baradilya ng hagdanan. weepee
3. Mag-iyak iyakan
4. Pagtawanan ng napakalakas ang mga taong natitisod, nadadapa
5. Mandapa
6. Magsumbong ng magsumbong
7. Magdala ng powdered milk at asukal twing lunch time, ilagay sa ibabaw ng kanin, kainin.
8. Umuwi ng maaga, at sabihing di ka pwedeng gabihin kahit alis sais pa lang, at bente anyos ka na
9. Magpapilit palage, magpaimportante
10. Maging emosyunal nang walang dahilan
11. Kantahin ang mga OST ng haidee, Blink, Princess Sarah atbp
12. Kantahin ang theme song ng batibot, mathinik, bayani at sineskwela.
13. Mandura
14. Pumalakpak ng sobra sobra kapag natutuwa.
15. Pagtawanan ang mga naiiyak.
16. Maglagay ng Good Morning Towel o bimpo sa likod kapag magbabasketbol
17. Be an attention Grabber <Magmalungkot habang masaya ang lahat ng tao sa paligid>
18. Umuwi ng maaga, sabihing manunuod pa ng Joaquin Boradado.
19. Magtatalon sa saya
20. Magkwento ng walang kwenta at matawa sa sarili
hAmPoTahMohLaH
February 7, 2008Dear Robert,
Utang na Loob ka! bakit ngayon ka lang nagparamdam. Aba, ilang buwan ang lumipas na di ka nagpakita ah. wala akong natatanggap na balita tungkol sayo. siguro nga nakalimutan mo na ako. Siguro nga busy ka na. Siguro nga iba na ang mahal mo. keme, drama. hayy.. anu ba san ka nga ba nanggaling. kahit text wala akong natanggap mula sa yo. kala ko ba bestfriends tayo. e bat wala na akong alam sayo. lintik ka! Kung di pa mageemail sayo yung isa kong kaibigan e di ka magpaparamdam saken. buti pa pag undas yung ibsang espiritu nag paparamdam. pero ikaw. hayup ka. san ka nga pala galeng.
Akala ko ba lahat e dapat kong alam. e bat ilang buwan nga ba yon? hm isa dalawa tatlo, apat apat na buwan. apat na buwan na tayong di nag-uusap. at ngayon dahil sira ang mahiwaga mong telepono, at ngayon dahil wala kang makausap. ako ngayon ang nilalapitan mo. Che! lumayas ka sa harap ko. DI kita kailangan.
haha, ang drama ko. Oo. madrama ako. di ba bestfriends nga tayo. at halos pareho na tayo ng ugale. Anu na ba mga nangyare sayo. apat na buwan. mahaba yun ah. samantalang date, araw araw mo akong kausap. tas biglang.. hayy.. kamote ka talaga. date, lahat yata ng emosyon mo e alam ko. e ngayon. aprang iba ka na. parang iba ka na. oo alam ko, sasabihin mo namang walang nagbago sayo. pero kamote ka. nagbago ka.
Busy? Busy saan? lagi ka namang busy. at nuon p man busy ka na. hayy.. highschool pa lang busy ka na. at mas busy ka naman nuon kumpara ngayon. mag - iisang taon ka na sa SDC pero parang wala ka pa ring naikukwento tulong sa buhay mo sa kanila. anu ba. alam mo na mang lagi akong excited sa mga kwento mo. miss n miss na kita. yung mga adventure naten sa quiapo, sa divisoria, at sa mga luapalop na pinupuntahan mo. hayop ka! miss na miss na kita.


At may mga nababalitaan pa ako sayo. hayup ka. anu ba yun. totoo ba yun? pero ciempre di ako naniniwala dahil di mo pa namn yun cnasabe saken. lintik ka kase. Naging eskabetche ka daw. at kung anu ano pa. hayy.. alam ko namang di yun totoo. anu ba. sino na naman ba ang mga pinaglololoko mo. Yan kase ang hirap sa iyo. yung kokote mo. hay kung ano anong naiisip. at ang ending it comes out to be one of your realities in life. Nagtetren ka pa ba? namimiss ko na mga kwento mo sa tren. wag mo sabihing lagi ka na nagbabus. Aba mayaman. hay. umayos ka nga. Ayusin mo buhay mo ha. ilang saglit lang tayong di nagkita tas iyan ka na naman sinumpong ka na naman ng sangrekwa mong saket. haha.. nakakabaliw talaga ang buhay mo. kung ikaw siguro ako baka nabaliw na ako. hay.. nakakawindang ka talaga. palagi ka ngang magpaparamdam. nang di naman ako magmukhang tanga palage dito. nung nakaraan. puro copy paste pa yang mga pinaglalagay mo. hayup ka. anu kala mo saken? Bulletin Board? Assignment na ipinapasa at puro copy paste lang.
Oo letche ka, galit ako sayo. actually balak ko ngang di ka kibuin e, hayup ka. di ko alam kung tinatamad ka lang na lapitan ako o kung anu anu na namn ang sideline mo kaya di tayo nakakapagbonding ulet. hayy.. cge.. hihintayin na lang kita ha.. oo alam ko mag rereply ka. cge cge.. ganyan ka naman e. kung di ka kikibuin, di ka mamamansin. umayos ka nga, ayusin mo buhay mo. kung kelan pa.. hay, bakit ba ang gago mo.
namimiss ko na ang dating ikaw, waw! umayos. oo, magkuwento ka na ulet sa aken, at gusto ko, walang labis walang kulang. sabi ni cros, nagbago na siya. ikaw, kelan kaya. sana wag mo sabihin. sana gawin mo. alam ko namang kaya mo e, humingi ka ng tulong Sa DIOS. Alam mo na yun. di ko na kailangan pang isa isahin. balikan mo ung dati mong mga gawa. Asan ka na ba ngayon? Asan ka na ba ngayon. Hindi mo ba panghihinayangan yung pinagsamahan naten? Hay kung makakalbas lang ako dito, baka ilang sampal na yang humataw sa kamay mo.
Magpakaayos ka nga. yaan mo. tutulungan kita. basta kausapin mo lang ako palage. Ano malay naten, baka bumalik ka na sa date.. hayy.. O siya sige. maghihintay ako sa reply mo ha.
–Tutubi
Mag Tunog Trip Tayo!
October 23, 2007
More Today Than Yesterday
Spiral Starecase
I don't remember what day it was
I didn't notice what time it was
All I know is that I fell in love with you
And if all my dreams come true
I'll be spending time with you
Every day's a new day in love with you
With each day comes a new way of loving you
Every time I kiss your lips my mind starts to wander
And if all my dreams come true
I'll be spending time with you
Oh, I love you more today than yesterday
But not as much as tomorrow
I love you more today than yesterday
But, darling, not as much as tomorrow
Tomorrow's date means springtime's just a day away
Cupid, we don't need ya now, be on your way
I thank the lord for love like ours that grows ever stronger
And I always will be true
I know you feel the same way too
Oh, I love you more today than yesterday
But not as much as tomorrow
I love you more today than yesterday
But only half as much as tomorrow
may Himno sa CHER Bus
October 4, 2007Sabado nang gabi noon, abala ako sa pinakagusto kong gawin nitong mga nakaraang araw, ang pagtunganga sa labas mula sa bintana ng malamig na CHER BUS. Siyempre, marami na naman akong bitbitin noon, expected na yon dahil Sabado (Kung di mo alam kung bakit, okay ritwal ko yon. Ibig sabihin, mag research ka sa National Library.) Ayokong maramdamang nangangarag ako, dapat relax lang.
Ayokong mabuwang dulot ng mga pangyayaring nagaganap sa aking kapaligiran, sa loob at labas ng aking sistema. Ayokong mangarag dahil lamang sa pag-iisip ko sa tambak na trabaho na naghihintay sa akin pag-uwi ko ng bahay. Ang dapat ko lamang gawin noong mga panahon na iyon, sa isip-isip ko, e ang mag-aliw, at aliwin at hayaang tangayin ang kaluluwa ko ng aking diwa.
So, lumalalim na naman ang aking pagtatagalog. Pasensiya na, hindi dapat ganito ang bihis ng post kong ito. Ayun, so with my headset plus the radio phone ng aking moto, ay enjoy na enjoy ko ang trip na iyon. malapit na ako sa Magallanes. Dalawa lang naman ang radio station ko, LOVE RADIO, tsaka WROCK.
Ewan ko ba, pero masaya talaga ako sa kanila. I feel the comfort of their music, kahit minsan, malutong pa sa kornik ang joke sa Love RADIO, ayos lang. Green Peace naman ako e. hala nahahawa na ako!
Si Ricahera ng LOVE RADIO ang nakasalang sa ere nang mga oras na iyon.
Gustong gusto kong pinapatugtog ang "Sundo" habang nasa biyahe ako. Wala lang, tamang trip kase, pakiramdam ko eh, ako ang bida sa MTV ng Imago. Wala lang.
Matapos ang Sundo ng Imago e, narinig ko na lang yung kanta.
oo' yung kanta.
Ang ganda ng boses nung kumakanta.
Ang ganda ng lyrics ng kanta.
Ang ganda ng melody ng kanta.
Ang ganda ng indayog ng kanta.
Ang ganda ng pagkakaareglo nung kanta.
madaling tandaan yung tono ng kanta
Kanta. OO yung kanta. Hindi ko alam yung kantang yun. Di ko alam kung sino ang kumakanta. Pero alam ko, narinig ko na 'yon. Oo' narinig ko na yon. Tiyak kong hindi iyon bunga ng aking minor alzheimer.
Narinig ko na iyon, siguro, nung panahong napaka bata pa ako. Ewan ko kung anung taon, ewan ko kung saan. Ewan ko kung kailan, pero alam ko narinig ko na iyon.
Mula EDSA hanggang Pampanga, di na maalis ang tono ng kantang iyon sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon. hindi ko alam kung anu un. May sumpa kayang dala ang kantang 'yon? Malay ko.
Matapos ang aking tatlong araw na LSS sa kantang to.
Nahanap at natagpuan ko na rin sa wakas.
Salamat sa aking mga kaibigan. Salamat sa Dios!
Lamentations of the Soul
September 20, 2007
And the previous weeks of my life was really tragic, disaster and really a crappy one. But on the other hand, these last days, the wheel of fortune comes out to my life and blessed me with a great surprise. Without exaggeration, it seems like the real embodiment of joy happened in me and it came impulsively.
The past days and weeks of my life really gave me a panoramic view of who am I. –a worthless guy. In such instances of my life, I couldn't help but realize that I pictured myself as poppycock, balderdash, jabber, rabish and gobbledygook creature living in this planet.
I want to scream, to shout and to discharge all the things, energy and emotions on my system. I know that this things shouldn't happen. I know what is the right thing to do. I know it. I know it. I know what is right and what is wrong. But, I cannot refuse. I don't know how to say no, to decline.
I do not know what is happening to myself. One thing that I know is that I exist and painstakingly suffering the risk that I have chosen. One thing that I knew back then is that, I am suspended in the atmosphere, freely moving. And if these circumstances will linger, I would definitely deeply fall, tumble and go head over heels. The worst scenario that will really dump me.
I feel that I am helpless. I cried, but I choose that no one should see me. In which people that surrounds me will only see the "me" that is blissful, exultant. The sadness that surrounds me, kills me li'l by li'l. Until, I felt that tremendous grief, melancholic emotion.
I'm not an emo guy. And I hate to belong someday on that flock. But feelings really placed me into a place where I can not go. I am paralyzed.
But last Sunday while I am attending the Thanksgiving Session, all things turned out to be a sudden transformation. Because of the topic discussed by Bro. Eli, my spirit comes out to be delighted. I cannot explain the feeling, the emotion,that occupied myself. No words could elaborate all the thoughts that I understand on that day. Really a big and great blessing that God had given to me. It seems that on that time, on that day, on that circumstance, God speaks to me. Out from the heavens, I heard his voice. I heard HIM talking to me.
As the verses of the Bible were continually read by sis Luz and by Bro. Eli. My eyes turned to be watery. I want to cry. But I don't want. Many emotions intermingle with each other. I feel the joy in my heart. A feeling that I cannot explain. I felt God's grace on that time. I felt God's magnificent Love, and His Great Righteousness in that point of my life. I felt that the worries and pains on my heart turn to ease, turn to be healed.
I thank God because of these things that is happening to me. Know I really understand and realize how worthless I am and how Great is thy God of Israel. I know I am a sinner. A futile sinner that shouldn't be entertained by a great Master. But on that day, on that significant day. I felt His tender loving goodness and righteousness. And now I am grateful. Thanks to the Almighty God for His unspeakable gifts.
Now, I am ready to face the sinful society. And in God's grace I can do all this things with Him. I do not know what challenges would be the next. But now, I know where I fall.
| Remember therefore from whence thou art fallen, and repent, and do the first works; or else I will come unto thee quickly, and will remove thy candlestick out of his place, except thou repent. |
| Revelation 2:5 |
| King James Version |
Thanks be to God, and to the preacher that He sent to us. Thanks be to God. Thanks be to God.
|
|
|||||
|
|
|||||
Batung-bato ka na ba? Rock-Rockan na! (Lundo)
September 11, 2007Di ko na namalayan ang Oras habang binabasa ko ang libro ni Bob Ong.
Dinala ako ni Bob Ong sa isang lipunang tumatambad sa akin sa araw araw na hindi ko nabibigyan ng pansin. Isang katotohanang nasa paligid natin.
sapamamagitan ng Realismo ay lutang na lutang ang imahe ng isang kabataang PILIPINO sa panahong ito.
Mahirap, mayaman, kumakain ng daga o nagpapasasa sa PSP lahat ay may kwento.
Ginamit ng may akda ang bolpen ng mga balita sa radyo, telebisyon at pahayagan upang ilantad ang nakaririmarim na kalagayan ng kabataan sa panahong ito. Isang kabataang hinubog ng isang mapaniil at di makatarungang lipunan, isang kabataang nasasadlak sa kahirapan na naging sanhi ng pagkapariwara ng landas datapuwat nagsusumikap, lumalaban sa daluyong ng sakim na kapalaran. At sa huli, nangibabaw pa rin ang katotohanan na sila ay kabataan, mahina, musmos at api-apihan ng lipunang kanilang ginagalawan.
Wari ko'y umuulan ng mura sa Power books habang binabasa ko ang librong 'to. Tila binabad muna ni Bob Ong kanyang mga bida sa isang batyang mura, bago naging isang epektibong tauhan sa nobela. Mga salitang tila nakakapagpanting ng tenga datapuwat pambahay na kasuotan lamang sa isang Pilipinong totoo at di nagpapakitang tao. Mga salitang maririnig mo na sa umpukan ng mga kabataan sa iskwaters area o minsan pa ngay sa mga tambayan ng mga may kaya at mayaman.
Ipinakita rin dito ang kasalaulaan ng Pulisya. Mga nasa kapangyarihan na kunwa'y abala sa pagdakip ng masasama pero kubrador pala ang mga walangya, nakikishare pa sa kita ng mga snatcher. At kapagdaka'y sila pala ang magagaling.
Di maiialis ang isyu ng Kahirapan pag ganito ang mga topic ng nobela.
para akong nasisiraan ng bait habang binabasa ang nobela, buti na lang at walang nakapansin nuon sa loob ng bookstore. Pinaghalong Comedy, drama at tragedy ang tangay tangay ng libro.
Di ko namalayan na matatapos ko nang basahin ang libro. at PAMATAY! talaga ang ending!
Kung titingnan mo sa mababaw na interpretasyon e mga tae na ayaw pang mamahinga sa kabilang buhay ang pinatutungkol ni Bob Ong sa pinaghugutan niya ng title ng kaniyang libro, pero kung sa isang malalim na pag-uusisa e makikitang ang tunay na lundo nito ay nagtatapos sa atin, sa bawat isang kabataang bida sa kani-kaniyang buhay.
Bibigyan ko ng 8 star ang nobela, mga 8.5 pa nga.
Pinakilala niya ang mga tauhan sa isang kakaiba at mahusay na paraan
kawawa naman si AMADEUS
nakakainis nga lang ang ending para kay Cyrus,
Pero panalo din ang pag ganap ni Aling Sendang
at sa iba pang SABOGALOIDS na karakter! the best ka BOB ONG!
Kung ISa kang ABNORMALITE! nakahanap ka na ng katapat mo. kaya payo ko! basahin mo rin 'to! pero wag mo kong 2laran. Bilihin mo!
Batung-bato ka na ba? Rock-Rockan na! (Unang Romano)
Setyembre na ngayon, Buwan ng Kabataan, Buwan ng isang aggresibong henerasyon
Palaban, emosyunal, makatotohanan at may puso. Ito ang handog ni Bob Ong sa Kabataang Pilipino sapamamagitan ng kaniyang ika -anim na libro. — MAC ARTHUR
Palabas na ako ng PUP nang may makita akong isang stall na naman sa cat walk. Akala ko'y isa na naman itong stall ng mga Born again groups, Yoga Haribol, ng mga Aktibista, Ukay-ukay o Fraternity. Lumapit ako. Nagulat ako nang makita kong nakasalansan sa kanilang mesa ang mga libro ni Bob Ong at mga libro ng iba pang Filipino authors at Mabini Sessions (Libro mula sa mga likhang pang literatura ng ilang estudyante ng PUP).
Nagtanong ako sa babaeng nasa stall.
"MAC ARTHUR? Pang -anim na libro ni Bob ONg?"
"OO"
"Magkano?"
"Ah hindi po iyan binebenta, Bili po kayo ng ticket para manalo, yan po yung mga premyo"
"Ngek"
napayuko na lang ako. Balang araw mababasa ko rin un.
Para makabili ng alarm clock na may blinker sa loob na kinaadikan ko sa tuwing napadadaan ako sa Bicutan o Alabang, nagpagabi muna ako sa Festi. Nagpalipas oras.
Naglibot, gumala, nag siesta, mag-isa
Dumaan muna ako sa POWER BOOKS, tumambad sa harap ko ang pinaka bagong aklat ni BOB Ong, ang MAC ARTHUR nga. BINGO! may nakita akong kopya nito na parang 20 tao na ang nakagamit at dahil sa pagtitipid e sa Power books na lang binasa ang libro.
so, Dahil sa hirap ng buhay. Binasa ko ang libro na iyon sa loob ng store. Lumupagi na ako sa isang sulok at sinimulang basahin isa na namang Obra ng isa sa hinahangaan kong manunulat.
Natapos kong basahin ang libro sa loob ng Humigit Kumulang Isang Oras.
Napukaw ang kaibuturan ng pagkatao ko.
Lumitaw sa aklat ang isang Lipunan ko, ang isang lipunan ng sambayanang PILIPINO
Merror + Fud + EB = Layf
July 3, 2007Hindi na siguro makukumpleto ang tanghalian ng isang Pilipino, kung di siya nakakapanood ng isang variety show. Sa Pilipinas lamang tumatagal ang isang variety show na halos bumibilang pa ng 25 pataas na taon sa ere.
Masarap nga namang kumain na habang nabubusog ka na, ay pansamantala ka pang nakalilimot sa iyong mga problema dulot ng isang programang nakadudulot ng isang masarap na ngiti sa iyong mga labi.
Minsan, napatigil ako sa isang carinderya, natural may mga ulam, may kanin, at may telebisyon. Pero nagtanung ako sa sarili ko nang may makita akong isang salamin sa loob.
may barberya din ba sa loob?
Ewan
E bat may malaking salamin?
Para siguro makita kung gaano kalaki ang subo
**tawanan
Siguro nga
Pero bat ganyan kalaki? Parang pang parlor.
E siguro ay may sideline yung karinderya sa tanghali, sa gabi, parlor. ganun lang. Simple lang diba?
Huh? weird.
Nagtataka lang ako dahil sa halos lahat ng karinderya na naraanan namin ay may mga malalaking salamin sa loob.
Nagnilay. Ngumiti.
Siguro nga, kailangan ang salamin. Dahil ang Buhay ay isang variety show.
Sa Variety show, masaya ang buhay. parang walang lugar ang pagmumukmok. Parang buhay mo. parang buhay ko. Na sa Araw araw ay kailangan mong isuot ang ID mo, este ang isang masayang ngiti. Dapat daw nakangiti palagi, para swertehin sa buhay, para manalo sa LAban o Bawi o sa On the Spot Jackpot.
Sa Variety Show, hindi mo alam kung ano ang ilalabas ng mga roleta. di mo alam kung anung swerte o kamalasan ang ilalabas ng mga araw mo. Minsan maganda, pero sa isang mahirap, swerte na kung may matanggap kang limang daang piso pauwe.
Sa Variety Show, walang puwang ang antok. Dahil kapag inantok ka sa buhay, wala kang mapapala. kahit mga kangkong sa sapa e di ka uubra. bawal maging tamad, bawal antukin.
Sa Variety Show, maraming tanung na dapat sagutin para manalo, para magkaroon ng direksyon ang buhay mo kailangan mong sumagot sa mga tanong na magdidikta ng paroroonan mo. kung tataktak ka ba o tatakbo.
Sa Variety Show, may baon ka dapat na talino, kung hinde baka english lang ng yungib ay di mo pa alam. kahit kapirasong talino dapat mayroon ka, dahil baka di mo na namalayan na laslas na pala ang bag mo, wala ka na ngang cellphone, wala ka nang pera.. kumalat pa sa kalsada ang make up kit at mga gamit na laman ng bag mo.
Sa Variety Show dapat may sponsor ka ren. kailangang magpatalastas. mambola ng manonood. kailangang ita tak sa isip ng nakasalubong mo na ang sabong A ay mas magaling kaysa kay sabong B.
kailangang bolahin ang tao na ang pananaw ko ay tama at mali naman ang sa iyo dahil ang pananaw mo ay mali.
Na kailangang araw araw ay mapaniwala mo na ikaw si superman at kaya mong baliktarin ang ikot ng elektric fan.
Sa Variety show, meron ding drama. gaya ng buhay mong puno ng kadramahan. Na pwede nang ipantay sa dramathon sa Hapon.
Sa Variety Show ang tangi mo lamang anting anting ay ang lakas ng loob at gabay ng Poong Maykapal upang manalo at mag uwi ng limpak limpak na papremyo at salapi. Isang supot at isang sakong Lakas ng Loob at Siyempre ang walang kapantay na paggabay ng MAykapal upang mapagtagumpayan mo ang malalaking hamon ng Variety Show ng iyong Buhay.
Nalaman ko na kung bakit may salamin, kung bakit may telebisyon, may kanin at ulam, at isang variety Show.
Na sa tuwing isusubo mo ang pagkain na buhay ng iyong katawan ay malalaman mong Aba! Variety Show ang palabas sa Salamin.
tuldok.
July 2, 2007
Dapat kasi talaga nag Filipino Major ka e.
ayoko nga nun, walang pera. pwede ba tigilan nyu na ako.
Sayang, e di sana katulad mo na ako ngayun, after several years.
kalilimutan ko ng gusto kong magturo
Ba't di mo subukang magpasa sa Panday Lipi
huh? anu yun
wala ba nun sa PUP?
medyu narinig ko na nga pero, hay.. di kaya ako magaling..
subukan mo lang malay mo, matanggap ka..
Hmm.. utang na loob!








