Si Magaling, Maselan, at Maparaan
June 8, 2008Walang mapanood sa Tv, Pinoy Idol? Hoo! parang Amateur Singing Contest lang, ang pinagkaiba, ang PI (Pinoy Idol) nasa TV, tatlo lang ang judges, at may konting drama para bongga. ang Amateur Singing Contest, konting Fiesta, konting entablo, konting amplifier, konting baklang Host na mapanlait, at konting kumikinang at nakakabulag na costume ng mga contestants, ayos na. At ang judges? ang buong barangay, si kapitana, ang Komite de pistejos at ang Iyong mga kapitbahay na naghihintay kung papaano ka mapahiya. Siyempre, umaatikabong tsimisan na naman yan bukas.
Wala ako sa function ngayon, kaya eto. Si kaibigang PC na naman ang kaharap. naghahalungkat ng kung anu ano. ilang oras ko pa lang na nahihiwalay sa SDC e, namimis ko na sila. wooh.. drama.
Nais ko nga palang ipakilala ang mga ilang tauhan sa SDC na may kakaibang ugali.
Una,
SI MAPARAAN - siyempre, maparaan siya, sa lahat ng pagkakataon maparaan siya. Gumagamit siya ng kapangyarihan na hindi napapansin ng ibang tao maliban sa akin , siyempre makakalagpas ba siya saaking mapanuring mga mata. mala mata ni Anghelita yata ito.
- kapag gumagamit siya ng kaniyang kapangyarihan, nag aanyong pigurin ang mga taong nakapaligid sa kanya at sa kanyang Prey. Masaya ang lahat oo, pero nagbibling bling ang kanyang imahe sa gitna nilang lahat dahil sa kaniyang kaligayahan.
pangalawa,
SI MASELAN - siyempre, maselan siya. No! baka ang iniisip mong maselan e yung mala kutis sibuyas. No! Maselan siya meaning MUSCLE-LAN. marami ring tawag sa kanya, tinawag na rin siyang Heart Rub, Child Abuser, Mateenie Idol at iba pa. Mabait naman siya kaya marameng na lilink sa kanyang mga tao. Baka nga kasama ka sa mga nabiktima na Niya e
- Hindi ako Bitter sa kanya. haha
Pangatlo,
SI MAGALING - mag-ingat sa taong ito, hindi siya mukhang masama. Pero, Siya si magaling. want some evidences? kinakanta niya ang tono ng tenor kahit mamilipit at magkalagot lagot na ang litid niya sa Leeg. Magaling din siya makakuha ng tono kumapra sa conductor namin hehe. medyu trulagen naman daw sabe ni conductor. haha
- to prove you more na magaling siya here is one of his statements: “Ah, ganun ba boses ni R***? AMpanget naman.”, hahaha.. Aminin mo yan. Siya Si magaling
haha, yan lang muna. kung feeling mo this is offensive. post your comments Here; xD
Biru biruan Muna
June 2, 2008Kapag mahal mo ang isang tao… ipapasok mo! Ipasagad mo! Huwag kang matakot masaktan.Dahil ang true love, mainit at masarap habang nakabaon… sa puso’t isipan! ***
May nakakita sa akin sa dalampasigan na malungkot at nag-iisa.
Sabi niya, “Kung mahal mo siya, bakit hindi mo ipadama?”
Sumagot ako, “Mahal ka riyan! Nag-outing kami, naiwan ako! Adik ‘to!”
***
Mga dapat tandaan ng mga mag-MU:
#1 Huwag masyadong mag-expect. Wala kayong commitment.
#2 Pwede kang magselos. Pwede kang magtampo. Pero hindi ka pwedeng magalit.
#3 Pwedeng makipag-date sa iba pero huwag nang magpaalam.
#4 Pwede mo siyang lambingin. Pwedeng yakapin.
#5 At kapag nalaman mong may bf/gf na siya, pwede kang umiyak. Pwede kang masaktan. Pero hindi mo siya pwedeng sumbatan… dahil wala kang karapatan!
***
I know you miss me! Pero ayaw mo lang sabihin sa akin…
So, ako na lang ang magsasabi…
In behalf of you, “I miss you.”
Wow! How sweet! I miss you, too!
***
You seem like a sweet person…
Mind if I lick you to find out?
***
Ibibili kita ng salbabida mo…
Kasi, malulunod ka sa pagmamahal ko.
***
Anong kuwenta ng puso kung walang pagmamahal at nagmamahal?
Anong kuwenta ng buhay kung walang kasamang gumagabay?
Anong kuwenta ng unlimited kung walang katext?
ASAR!!!
***
Without romance, love gets dry.
Without respect, love gets lost.
Without caring, love gets boring.
Without honesty, love gets unhappy.
Without sex… pucha, break na!
***
Bakit ganoon ang pag-ibig?
Kailangang masaktan, magparaya, magpasensya, magpaloko?
Nakabubulag. Minsan tuloy, naisip ko…
Ano ba sa English ang ’santol’? Alam mo ba?
***
Buti pa ang patay, nagpaparamdam…
Ikaw na buhay, hindi mo man lang magawang magparamdam.
Patayin kaya kita?! Baka sakaling magparamdam ka!
Mag-text ka naman…
***
Kung amoy putok ka…
BE PROUD!
Pinagpawisan mo ‘yan, eh!
***
I had a dream about you. I smiled and recalled the memories we had. Then, I noticed that tears were falling from out eyes.
Know why?
Because in my dream… magkasama tayo… naghihiwa ng sibuyas.
***
MISIS: Hindi ko na kaya ‘to! Araw-araw na lang tayong nag-aaway! Mabuti pa, umalis na ‘ko sa bahay na ‘to!
MISTER: Ako rin, sawang-sawa na! Away rito, away roon! Mabuti pa siguro, sumama na ‘ko sa ‘yo!
***
POCHOLO: Ano ba talaga? Mahal mo ba ‘ko?
SAMUEL: Hindi ko alam. Oo. Mahal kita. Pero… tsk… tsk… tsk…
POCHOLO: Pero ano? (bumuntung-hininga) Pahiram nga ng reading glass.
SAMUEL: Bakit?
POCHOLO: Ang labo mo, eh!
***
Pakisabi nga sa mga nagte-text ng chain messages na tigilan na nila ‘yan!
Kasi, pucha, hindi na nakatutuwa!
Pass this to 50 friends and make a wish…
***
You want someone… don’t just wait for that person to fly and go to you.
Instead, work for it and show some patience. In case that it doesn’t work… well… there’s the word kidnap, rape, kulam, gayuma and blackmail.
You just need to be CREATIVE.
Be creative daw, o!
***
If you love someone, you have to give the best, do the right thing.
But the best way to an everlasting relationship comes from three words…
LET’S GO NAKED!
***
Without love, days are:
Moanday, Tearsday, Wasteday, Thirstday, Sadday, Fightday, Shatterday.
So, be in love everyday!
***
It’s really hard to freeze in sweetness when someone has already melted you… into something bitter.
***
Katangahan bang lumapit ako kahit umiiwas na siya?
Magpapansin kahit binabalewala lang niya?
Maghintay kahit sa wala?
Ako ba ang tanga dahil umaasa pa? O siya na hindi makaunawang sobrang mahal ko siya?
***
Para sa nag-text kung ano ang English ng SANTOL, ang sagot ay “WHERE BRO?”
***
TEACHER: Class, alam n’yo bang ang butil ng bigas ay dugo at pawis ng mga magsasaka?
STUDENTS: Yuck! Iwww! Kadiri!
***
Kapag sumikat ang araw, sisikat din tayo
Sabi ko naman sa ‘yo, lagi akong andito
Kahit kailan, kaibigan mo ako
At ‘yan ay paninindigan ko
Ngayong matindi ang ulan
Ang isa’t isa ang ating takbuhan
Sumilong ka lang sa aking payong
Ayong, yong, yong, yong
:::::
:::::
O, ano, gets mo na? UMBRELLA ‘yan, Tagalog version.
***
Mansanas pantalon, ang sapatos may buhok
Lahat sila, nakatingin sa iyo
Ay, nadapa!
Bigla-bigla, nag-spaghetti
Pababa ba ba ba
Pawis na at kupas
Ang sapatos, may sintas
Paikut-ikot
Puwet, pinalong malakas
Ay, nadapa!
Bigla-bigla, nag-spaghetti
Pababa ba ba
:::::
:::::
LOW, Tagalog version
***
I was watching NBA and I noticed that the players, no matter how tired they are, they just keep on playing!
How I wish I could be like those basketball players… matangkad!
***
ARSONIST.
That’s what they call me.
But I plead guilty to no crime.
Because I did not intend to burn.
I am simply hot.
***
I want to apologize… for making the world a HOTTER place!
I’m so sorry.
***
Dati, hindi lahat ng lalaki ay gwapo.
Ngayon, hindi lahat ng gwapo ay lalaki.
***
GIRL: Ano’ng tinitingin-tingin mo riyan?!
BOY: Sorry. Akala ko kasi, maganda ka. Hindi pala.
***
ANAK: Itay, ilan ang ‘R’ sa correspondent… isa o dalawa?
ITAY: Tatluhin mo na para sigurado.
***
Limang bagay na ayokong mangyari:
#1 Makatapak ng tae.
#2 Matalsikan ng laway.
#3 Makaamoy ng utot.
#4 Madikitan ng taong may matinding putok.
#5 At makita kang malungkot. (Naks!!!)
***
TOMAS: Pare, ang lakas ng boses mo! Tuwang-tuwa ako! Mukhang natuto ka nang lumaban kay mare, ah?!
ANDRES: Wala siya kagabi, pare, kaya nagpraktis ako!
***
JUAN: Pare, kailan mo balak bayaran ang utang mong P64?!
PEDRO: O, eto, may P100 ako. May P36 ka?
JUAN: Wala. Pero may P50 ako. May P14 ka?
PEDRO: Wala rin, eh. May P20 ako rito. May P6 ka?
JUAN: May P10 ako. May P4 ka?
PEDRO: May P5 ako. May piso ka?
JUAN: Oo. Eto, meron.
(Ibinayad ni Pedro ang P1. Ibinigay ni Juan ang piso.)
PEDRO: Ayan, ha… wala na akong utang!
JUAN: Sige, pare. Salamat. Ingat!
***
T: Ano ang sinabi ng zero sa 8?
S: “Ang sikip naman ng belt mo!”
T: Ano ang sinabi ng 9 sa 6?
S: “Ang laki naman ng tiyan mo!”
T: Ano ang sinabi ng 6 sa 9?
S: “Kuba!”
T: Ano ang sinabi ni O kay Q?
S: “Uy! Mag-brief ka naman!”
***
Q: What do an ambulance, a train, a fire engine, a police car, an airplane, a woman and a man have in common?
A: They all make noise when they are coming.
***
T: Ano ang taeng hindi nakikita?
S: ‘Yung taeng natapakan. (Tatapakan mo ‘yun kung nakita mo?)
***
T: Ano ang pagkakaiba ng H2O sa C2O?
S: Ang H2O ay water. Ang C2O ay cold water.
***
T: Ano ang sasabihin mo kapag pinagalitan ka ng parents mo dahil
amoy-alak at amoy-sigarilyo ka?
S: “I got stinky. I got dirty. But see? I learned.”
***
T: Ano ang sabi ng utot sa ebak?
S: “Mauna na ako, ha?”
T: Ano ang sabi ng ebak sa kapwa ebak?
S: “Namputsa… walang tulakan! Pila-pila lang!”
T: Bakit matigas ang talong sa kare-kare?
S: Kasi, nakababad sa mani.
***
If we were an ice cream at McDonald’s… we would be McFlirty.
Eh kung Jollibee?
Swirlybitch tayo.
***
English/Tagalog
ENGLISH: For Official Use Only
TAGALOG: Kabit Ni Congressman
ENGLISH: Blind Curve
TAGALOG: Bulag Na Kuba
ENGLISH: Blind Item
TAGALOG: Bulag Na Ita
***
Pagyaman ko, magtatayo ako ng mental hospital at aalagaan ko ang mga sira-ulo. Syempre, may bayad.
Pero dahil tropa tayo… LIBRE ka!
Uy! Masaya na siya!
***
WORLD TRADE NEWS:
Isang panibagong produkto na gawa ng Pinoy!
Super-pandikit, super-dikit, super-kapit!
Hindi mo maaalis, hindi mo matatanggal!
ATE GLU!
***
Patterned after LAS VEGAS , our Tourism officials pronounce that the Philippines might as well be called LESS BIGAS.
***
“Loko ka pala, eh! Alangan namang ako ang iiwas sa ‘yo para hindi ka mahulog sa akin. Hindi ko naman ginusto dahil mapapahiya ka lang. Don’t worry, hindi ko ipagsasabi na na-fall ka sa ‘kin!” – KANAL
***
“Nasubukan mo na ba akong kainin? Masarap ako, sinisipsip o kaya dinidilaan kapag may tumulo sa katawan ko. Kahit may balat ako, kinakain pa rin. Try mo ako!” – ICE CANDY
***
“Hindi lahat ng party ay masaya.” — THIRD PARTY
“Hindi lahat ng 13 ay malas.” – 13th MONTH PAY
“Hindi lahat ng negative, nakalulungkot.” – PREGNANCY TEST
“Hindi lahat ng positive, ipinagsasaya.” – HIV+
“Hindi lahat ng hinog ay masustansya.” – PIGSA
***
Sa isang beauty contest…
JUDGE: What do you think is your best feature?
CONTESTANT: Umm… my best feature is… I think… ok, guys… Ha! Ha! Ha! Ha! I told you I was confident but this was my first pageant so I was not totally and really confident. Ha! Ha! Ha! Ha! O, sige, eto na lang… my best feature is my graduation feature. Thank you!
***
T: Ano ang tawag sa maliit na tsunami?
S: Tsunano. [Baby Chinito]
***
Sa tindahan ni Aling Nena…
TOTOY: Pabili po ng criminal water.
ALING NENA: Criminal water? Baka mineral water, iho?
TOTOY: Hindi po. Tatay ko po ang iinom. Kriminal po ‘yon. Kaya criminal water.
***
Good friends are made of sugar and spice…
But my friends are made of Red Horse and ice.


