Sa Mundong Para lang sa Isa, ‘Di Maaaring maging Tanga
March 24, 2009Kung noo mo’y laging nakukunot
At Pinapatay ka ng lubhang pagkabagot
Dali daling kunin papel na maaabot
Iwaksi pakiramdam na nakayayamot
Simulang pagmasdan letra at tinta
Hugutin sa utak na mabiyaya
Isulat na mainam kapagdaka
Anumang bagay nasok sa kaluluwa
Unti-unting paliparin isipa’t damdamin
Hayaang mapadpad sa’n man ihantong ng hangin
Nasain mong ikaw nga’y tangayin
Ihahatid ka sa maligayang lupain
Di maiiwasang ikaw nga’y mapara
Muling mabulid sa mga ala-ala
Mga anino ng kahapong tinakasan na
Narito’t nahahandang dalawin ka
Kabagutan mo nga’y tiyak na mawawala
Hahalinhan ng araling natutunan na
NaSa landas ng buhay bawal maging tanga
huwag muling magpakatanga, O taong nakatanga
==============
Nagawa ko to habang nababagot
Naghihintay mag alas singko
OJT moments


