Home » Archives » June 2008

Si Magaling, Maselan, at Maparaan

June 8, 2008

Walang mapanood sa Tv, Pinoy Idol? Hoo! parang Amateur Singing Contest lang, ang pinagkaiba, ang PI (Pinoy Idol) nasa TV, tatlo lang ang judges, at may konting drama para bongga. ang Amateur Singing Contest, konting Fiesta, konting entablo, konting amplifier, konting baklang Host na mapanlait, at konting kumikinang at nakakabulag na costume ng mga contestants, ayos na. At ang judges? ang buong barangay, si kapitana, ang Komite de pistejos at ang Iyong mga kapitbahay na naghihintay kung papaano ka mapahiya. Siyempre, umaatikabong tsimisan na naman yan bukas.

 Wala ako sa function ngayon, kaya eto. Si kaibigang PC na naman ang kaharap. naghahalungkat ng kung anu ano. ilang oras ko pa lang na nahihiwalay sa SDC e, namimis ko na sila. wooh.. drama.

Nais ko nga palang ipakilala ang mga ilang tauhan sa SDC na may kakaibang ugali.

 

Una,

SI MAPARAAN - siyempre, maparaan siya, sa lahat ng pagkakataon maparaan siya. Gumagamit siya ng kapangyarihan na hindi napapansin ng ibang tao maliban sa akin , siyempre makakalagpas ba siya saaking mapanuring mga mata. mala mata ni Anghelita yata ito.

                          - kapag gumagamit siya ng kaniyang kapangyarihan, nag aanyong pigurin ang mga taong nakapaligid sa kanya at sa kanyang Prey. Masaya ang lahat oo, pero nagbibling bling ang kanyang imahe sa gitna nilang lahat dahil sa kaniyang kaligayahan.

 

pangalawa,

SI MASELAN - siyempre, maselan siya. No! baka ang iniisip mong maselan e yung mala kutis sibuyas. No! Maselan siya meaning MUSCLE-LAN. marami ring tawag sa kanya, tinawag na rin siyang Heart Rub, Child Abuser, Mateenie Idol at iba pa. Mabait naman siya kaya marameng na lilink sa kanyang mga tao. Baka nga kasama ka sa mga nabiktima na Niya e

                       - Hindi ako Bitter sa kanya. haha

 

Pangatlo,

SI MAGALING - mag-ingat sa taong ito, hindi siya mukhang masama. Pero, Siya si magaling. want some evidences? kinakanta niya ang tono ng tenor kahit mamilipit at magkalagot lagot na ang litid niya sa Leeg. Magaling din siya makakuha ng tono kumapra sa conductor namin hehe. medyu trulagen naman daw sabe ni conductor. haha 

                          - to prove you more na magaling siya here is one of his statements: “Ah, ganun ba boses ni R***? AMpanget naman.”,  hahaha.. Aminin mo yan. Siya Si magaling

 

 

haha, yan lang muna. kung feeling mo this is offensive. post your comments Here; xD 

Posted by robertlueasturias at 7:33 pm | permalink | comments[1]

Pesteng Uhog

Napaka sama ng pakiramdam ko ngayon, parang gusto kong iumpog sa pader ang ulo ko. Sipon na parang kumapit na sa lalamunan ko at duon nag pakasaya na ang mga bacteria, kamote. ang kate nila! Hindi ako makaawit ng maayos, trip ko pa naman ngayon mag jammin dahil isang barangay na ang SDC.  Gusto ko na rin samantalahin ang mga pagkakataon na kasama ko sila dahil sa malamang e, magiging isang napaka BUSY na mundo na naman ang babalikan ko. Tae! pasukan na ulit!

sa dami ng dapat kong tapusin, sa dami ng dapat kong gawin e malamang sa malamang na may mapabayaan ako dahil nakisali pa ang mga staphyloccocus na bacteriang ito sa lalamunan ko. ANg init ng pakiramdam ko;

Marwin: Nako dapat lagnatin ka, para gumaling ka kaagad

 Lagnaten! wah, hindi na ka schedule ang lagnat sa akin for this week. Kailangan ko pa munang unahin ang kalandian ni Ginoong G. para maibsan ang mga trabaho ko at maging maluwalhati ang back to skul moment ko. 

Nakakalungkot dahil may mga problema pa na pilit nagsusumiksik sa aking schedule na siksik liglig at umaapaw sa mga activities. Wheew! grabe, mamamatay na ata ako.

Speaking of patay, may lamay pa palang aawitan ang SDC mamaya, lamay ng tatay ni Archie. hay, makasama kaya ako, baka kase habang nakatindig ako sa harap e mag collapse ako at ako na ang sunod na awitan ng grupo. wah! wag naman sana, di ko pa tapos ang assignment ko kay Ginoong G na marapat dapat daw ipasa sa first day. ang galeng diba !  “Be absent, but not on the first day! ” Gusto ko siyang palakpakan ng bonggang bongga! sabay sabitan ng isang malalubid na sampaguita at may ilang ilang sa dulo o kaya naman e hiramin ko muna ang Everlasting flower sa altar at isabit sa kanya. Syet.

Kailangan ko ang tulong Judy Ann Santos, di ako makahinga… neozep, decolgen, rugby, glue, o kung anu man.. wah .. kailangan ko makahinga ng maaayos.

Tatapusin ko na to dahil tumutulo na ang uhog ko. ge!  

Go Yellow! kulay Uhog 

Posted by robertlueasturias at 1:05 am | permalink | Add comment

Global Warming ng Serenea

June 6, 2008

Amoy alimuong ang paligid dahil biglang umulan. Buti naman at dininig ang panalangin ng mga nanlilimahid na Pilipino dahil sa Init ng panahon ngayon.

Weather Issued At: 5:00 p.m., 06 June 2008
Synopsis :  Easterly wave affecting Eastern Visayas and Mindanao. Ridge of High Pressure Area (HPA) across Luzon.

Metro Manila

Partly cloudy to at times cloudy with isolated rainshowers & thunderstorms
24°C to 35°C
Light to Moderate
East-Southeast

Manila Bay: Slight to Moderate

Dahil sa tindi ng init ng panahon, e wala nang maisip na sisihin ang mga tao sa paligid ko kundi ang lumalalang Global Warming sa panahong ito.

“Ang init init ng panahon, ramdam na ramdam ko ang Global Warming”

“Anu ba! wala na ba akong magagawa kundi tingnan na nilulusaw na tayo ng Araw dahil sa Global Warming”

“Pakshet! Global Warming”

Ilan lang yan sa mga txt messages na receive ko, mga sama ng loob na sa akin nila ibinubuhos.

Nakakatuwang isipin na sa kabila na tapos na ang summer season e parang ngayon pa lalong umiinit ang panahon. At nakakatawang isipin, na matapos natin magreklamo sa matinding init ng panahon ay makikita na lang natin na lumulubog na ang bahay ninyo dahil sa baha sa mga susunod na mga araw.

at sa mga susunod na araw ay bahagi na tayo ng Dyesebel, bahagi na tayo ng Serenea.Wooh! haha

 

Posted by robertlueasturias at 9:12 pm | permalink | Add comment

huwag Maging Dayuhan, sa Sariling Bayan

June 2, 2008

My Lakbayan grade is D!

 

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.

 

Marame pa pala akong dapat puntahan..

HMM.. I maybe I will try to visit the Visayas Region and explore its beauty next time 

Posted by robertlueasturias at 2:10 am | permalink | Add comment

Biru biruan Muna

Kapag mahal mo ang isang tao… ipapasok mo! Ipasagad mo! Huwag kang matakot masaktan.Dahil ang true love, mainit at masarap habang nakabaon… sa puso’t isipan! ***
May nakakita sa akin sa dalampasigan na malungkot at nag-iisa.
Sabi niya, “Kung mahal mo siya, bakit hindi mo ipadama?”
Sumagot ako, “Mahal ka riyan! Nag-outing kami, naiwan ako! Adik ‘to!”

***
Mga dapat tandaan ng mga mag-MU:
#1 Huwag masyadong mag-expect.
Wala kayong commitment.
#2 Pwede kang magselos. Pwede kang magtampo. Pero hindi ka pwedeng magalit.
#3 Pwedeng maki­pag-date sa iba pero huwag nang magpaalam.
#4 Pwede mo siyang lambingin. Pwedeng ya­kapin.
#5 At kapag nalaman mong may bf/gf na siya, pwede kang umiyak. Pwede kang masaktan. Pero hindi mo siya pwedeng sumbatan… dahil wala kang karapatan!

***
I know you miss me! Pero ayaw mo lang sabihin sa akin…
So, ako na lang ang magsasabi…
In behalf of you, “I miss you.”
Wow! How sweet! I miss you, too!

***
You seem like a sweet person…
Mind if I lick you to find out?

***
Ibibili kita ng salbabida mo…
Kasi, malulunod ka sa pagmamahal ko.

***
Anong kuwenta ng puso kung walang pagmamahal at nagmamahal?
Anong kuwenta ng buhay kung walang kasamang gumagabay?
Anong kuwenta ng unlimited kung walang katext?
ASAR!!!

***
Without romance, love gets dry.
Without respect, love gets lost.
Without caring, love gets boring.
Without honesty, love gets unhappy.
Without sex… pucha, break na!

***
Bakit ganoon ang pag-ibig?
Kailangang masaktan, magparaya, magpasensya, magpaloko?
Nakabubulag. Minsan tuloy, naisip ko…
Ano ba sa English ang ’santol’? Alam mo ba?

***
Buti pa ang patay, nagpaparamdam…
Ikaw na buhay, hindi mo man lang magawang magparamdam.
Patayin kaya kita?! Baka sakaling magparamdam ka!
Mag-text ka naman…

***
Kung amoy putok ka…
BE PROUD!
Pinagpawisan mo ‘yan, eh!

***
I had a dream about you. I smiled and recalled the memories we had. Then, I noticed that tears were falling from out eyes.
Know why?
Because in my dream… magkasama tayo… naghihiwa ng sibuyas.

***
MISIS: Hindi ko na kaya ‘to! Araw-araw na lang tayong nag-aaway! Mabuti pa, umalis na ‘ko sa bahay na ‘to!
MISTER: Ako rin, sawang-sawa na! Away rito, away roon! Mabuti pa siguro, sumama na ‘ko sa ‘yo!

***
POCHOLO: Ano ba talaga? Mahal mo ba ‘ko?
SAMUEL: Hindi ko alam. Oo. Mahal kita. Pero… tsk… tsk… tsk…
POCHOLO: Pero ano? (bumuntung-hini­nga) Pahiram nga ng reading glass.
SAMUEL: Bakit?
POCHOLO: Ang labo mo, eh!

***
Pakisabi nga sa mga nagte-text ng chain messages na tigilan na nila ‘yan!
Kasi, pucha, hindi na nakatutuwa!
Pass this to 50 friends and make a wish…

***
You want someone… don’t just wait for that person to fly and go to you.
Instead, work for it and show some patience. In case that it doesn’t work… well… there’s the word kidnap, rape, kulam, gayuma and blackmail.
You just need to be CREATIVE.
Be creative daw, o!

***
If you love someone, you have to give the best, do the right thing.
But the best way to an everlasting relationship comes from three words…
LET’S GO NAKED!

***
Without love, days are:
Moanday, Tears­day, Wasteday, Thirst­day,
Sadday, Fightday, Shatterday.
So, be in love everyday!

***
It’s really hard to freeze in sweetness when someone has already melted you… into something bitter.
***
Katangahan bang lumapit ako kahit umiiwas na siya?
Magpapansin kahit binabalewala lang niya?
Maghintay kahit sa wala?
Ako ba ang tanga dahil umaasa pa?
O siya na hindi makaunawang sobrang mahal ko siya?
***
 
Para sa nag-text kung ano ang English ng SANTOL, ang sagot ay “WHERE BRO?”
***
TEACHER: Class, alam n’yo bang ang butil ng bigas ay dugo at pawis ng mga magsasaka?
STUDENTS: Yuck! Iwww! Kadiri!
***
Kapag sumikat ang araw, sisikat din tayo
Sabi ko naman sa ‘yo, lagi akong andito
Kahit kailan, kaibigan mo ako
At ‘yan ay paninindigan ko
Ngayong matindi ang ulan
Ang isa’t isa ang ating takbuhan
Sumilong ka lang sa aking payong
Ayong, yong, yong, yong
:::::
:::::
O, ano, gets mo na? UMBRELLA ‘yan, Tagalog version.

 
***

Mansanas pantalon, ang sapatos may buhok
Lahat sila, nakatingin sa iyo
Ay, nadapa!
Bigla-bigla, nag-spaghetti
Pababa ba ba ba
Pawis na at kupas
Ang sapatos, may sintas
Paikut-ikot
Puwet, pinalong ma­lakas
Ay, nadapa!
Bigla-bigla, nag-spaghetti
Pababa ba ba
:::::
:::::
LOW, Tagalog version

***

I was watching NBA and I noticed that the pla­yers, no matter how tired they are, they just keep on playing!
How I wish I could be like those basketball players… matangkad!
***
ARSONIST.
That’s what they call me.
But I plead guilty to no crime.
Because I did not intend to burn.
I am simply hot.
***
I want to apologize… for making the world a HOTTER place!
I’m so sorry.
***
Dati, hindi lahat ng lalaki ay gwapo.
Ngayon, hindi lahat ng gwapo ay lalaki.
***
GIRL: Ano’ng tini­tingin-tingin mo riyan?!
BOY: Sorry. Akala ko kasi, maganda ka. Hindi pala.
***
ANAK: Itay, ilan ang ‘R’ sa correspondent… isa o dalawa?
ITAY: Tatluhin mo na para sigurado.
***
Limang bagay na ayokong mangyari:
#1 Makatapak ng tae.
#2 Matalsikan ng laway.
#3 Makaamoy ng utot.
#4 Madikitan ng taong may matinding putok.
#5 At makita kang malungkot. (Naks!!!)
 
***
 
TOMAS: Pare, ang lakas ng boses mo! Tuwang-tuwa ako! Mukhang natuto ka nang lumaban kay mare, ah?!
ANDRES: Wala siya kagabi, pare, kaya nagpraktis ako!
***
JUAN: Pare, kailan mo balak bayaran ang utang mong P64?!
PEDRO: O, eto, may P100 ako. May P36 ka?
JUAN: Wala. Pero may P50 ako. May P14 ka?
PEDRO: Wala rin, eh. May P20 ako rito. May P6 ka?
JUAN: May P10 ako. May P4 ka?
PEDRO: May P5 ako. May piso ka?
JUAN: Oo. Eto, me­ron.
(Ibinayad ni Pedro ang P1. Ibinigay ni Juan ang piso.)
PEDRO: Ayan, ha… wala na akong utang!
JUAN: Sige, pare. Sa­lamat. Ingat!
***
T: Ano ang sinabi ng zero sa 8?
S: “Ang sikip naman ng belt mo!”
T: Ano ang sinabi ng 9 sa 6?
S: “Ang laki naman ng tiyan mo!”
T: Ano ang sinabi ng 6 sa 9?
S: “Kuba!”
T: Ano ang sinabi ni O kay Q?
S: “Uy! Mag-brief ka naman!”
***
Q: What do an ambulance, a train, a fire engine, a police car, an airplane, a woman and a man have in common?
A: They all make noise when they are coming.
***
T: Ano ang taeng hindi nakikita?
S: ‘Yung taeng nata­pakan. (Tatapakan mo ‘yun kung nakita mo?)
***
T: Ano ang pagkakaiba ng H2O sa C2O?
S: Ang H2O ay water. Ang C2O ay cold water.
***
T: Ano ang sasabihin mo kapag pinagalitan ka ng parents mo dahil
amoy-alak at amoy-sigarilyo ka?
S: “I got stinky. I got dirty. But see? I learned.”
***
T: Ano ang sabi ng utot sa ebak?
S: “Mauna na ako, ha?”
T: Ano ang sabi ng ebak sa kapwa ebak?
S: “Namputsa… wa­lang tulakan! Pila-pila lang!”
T: Bakit matigas ang talong sa kare-kare?
S: Kasi, nakababad sa mani.
***
If we were an ice cream at McDonald’s… we would be McFlirty.
Eh kung Jollibee?
Swirlybitch tayo.
***
English/Tagalog
ENGLISH: For Official Use Only
TAGALOG: Kabit Ni Congressman
ENGLISH: Blind Curve
TAGALOG: Bulag Na Kuba
ENGLISH: Blind Item
TAGALOG: Bulag Na Ita

 
***
Pagyaman ko, magtatayo ako ng mental hospital at aalagaan ko ang mga sira-ulo. Syem­pre, may bayad.
Pero dahil tropa tayo… LIBRE ka!
Uy! Masaya na siya!
***
WORLD TRADE NEWS:
Isang panibagong pro­dukto na gawa ng Pinoy!
Super-pandikit, super-dikit, super-kapit!
Hindi mo maaalis, hindi mo matatanggal!
ATE GLU!
***
Patterned after LAS VEGAS , our Tourism officials pronounce that the Philippines might as well be called LESS BIGAS.


***
“Loko ka pala, eh! Ala­ngan namang ako ang iiwas sa ‘yo para hindi ka mahulog sa akin. Hindi ko naman ginusto dahil mapapahiya ka lang. Don’t worry, hindi ko ipagsasabi na na-fall ka sa ‘kin!” – KANAL
***
“Nasubukan mo na ba akong kainin? Masarap ako, sinisipsip o kaya dini­dilaan kapag may tumulo sa katawan ko. Kahit may balat ako, kinakain pa rin. Try mo ako!” – ICE CANDY
***
“Hindi lahat ng party ay masaya.” — THIRD PARTY
“Hindi lahat ng 13 ay malas.” – 13th MONTH PAY
“Hindi lahat ng ne­gative, nakalulungkot.” – PREGNANCY TEST
“Hindi lahat ng positive, ipinagsasaya.” – HIV+
“Hindi lahat ng hinog ay masustansya.” – PIGSA
***
Sa isang beauty contest…
JUDGE: What do you think is your best feature?
CONTESTANT: Umm… my best feature is… I think… ok, guys… Ha! Ha! Ha! Ha! I told you I was confident but this was my first pageant so I was not totally and really confident. Ha! Ha! Ha! Ha! O, sige, eto na lang… my best feature is my gra­duation feature. Thank you!
***
T: Ano ang tawag sa maliit na tsunami?
S: Tsunano. [Baby Chinito]
***
Sa tindahan ni Aling Nena…
TOTOY: Pabili po ng criminal water.
ALING NENA: Crimi­nal water? Baka mineral water, iho?
TOTOY: Hindi po. Tatay ko po ang iinom. Kri­minal po ‘yon. Kaya cri­minal water.
***
Good friends are made of sugar and spice…
But my friends are made of Red Horse and ice.

Posted by robertlueasturias at 1:28 am | permalink | comments[1]

Letra

June 1, 2008

Nauubliga akong magtipa at magtipa ng letra. Dahil napupuspos pa rin ako ng pagtitiwalang, ang mga letra ay aking kakampi, kakwentuhan at kaibigan.

Hindi mo maikakailang naranasan mo nang masaktan dahil naramdaman mong waring hindi ka umiiral sa mundo. Naranasan mo rin minsan na maging malungkot at magkubkob sa isang sulok tangan ang kabagutan at takot na iyong nadarama.

T ipa ako ng tipa, tipa ako ng tipa, dahil naniniwala ako na ang mga letra ay buhay. Nananalig ako na ang mga letra ay buhay, nagiging bahagi ng AKO, nagiging AKO, nagiging AKO. 

Tipa ako ng tipa, dahil sa mga letra naibubuhos ko ang damdaming sumisilakbo sa aking kaluluwa. Mga mumunting titik na kung pagsasama samahin ay lilikha ng bulong, mga tinig, at mga himig ko na hindi ko maibulalas. Mga salitang tanging naikukubli ko lamang sa hinimay himay na pariralang impit, humihibik.

Mga kaibigan ko na sila mula pa nang una. Lalong naging kaibigan ko sa mga panahong ako’y nag iisa. Mga kaibigan kong walang naikukubli sa akin, sapagkat sila’y aking likha, sapagkat sila ay AKO, sapagkat sila ang AKO.

Mga likha lamang sila, datapuwat umuukilkil sa aking puso. Mga pintig ng aligatang damdamin kong hapo sa nakahihilo, nakalulumbay at mapang alipustang tinuturing turingan. Sila ang mga tunay na kaibigan. mga letra kong naging AKO, mga letra kong naging aking MUNDO.

Posted by robertlueasturias at 11:26 pm | permalink | Add comment

     

June 2008
M T W T F S S
« May   Mar »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  

Sponsored Links

aQo- Unknown object

 

Everytime I answer queries on which how do i describe myself, I find it always as a  hard task. I think  pen and paper will not enough for you to spell out yourself, your likes, your dislikes, your imaginations, your beliefs, your faiths, your wants, your emotions and the whole you.

 ~

anyways, ill try to draw myself, and paint it using my eronous thoughts.

~

the PILGRIM

 at my very young age, i should say that i have plenty of travel accross different places,

from wishes to ideas, from factual to embroidered stories of people that surrounds me, from old time religion to irrevocable science, from potent myth to history, from powerful dreams to facts and from my triumphant hopes to my cheerful experiences.

Those things I always treasure. All of the things I encountered in my life builds me. And all of my experiences in my journey in life molds me.

i love to write, to tell stories (and embroider some.) I love to fly and reach the dreams that i had last night.

 

 

 

 

Recent Photo

Bro. Eli dot Blog

MyBlogLog

itmFlickrSlideShow

SiteMeter

I Shout You Shout!

robertlue:

woah! kumusta nikko! Salamat sa pagdaan. I’ve also checked your site. It’s great! Good luck!

Nikko Zabala:

Hi robert cm8t u din me nung elemntary hehe.. gudluck sa tinatahak mong landas ^^ hehe

robertlueasturias:

oi mica! oo naman baket?

Mica San Pablo:

oi robert, ntatandaan mo pa ba ako? klasmeyt mo nung elementary.. tagal naqng ngahahnap ng contact sa inyo..

reyjr:

hey kumusta na? napadaan lang ulit.

eych:

sabi ko sayo, maganda nga. !!

eych:

nice site! salamat sa pagvisit sa Pedestrian Crossing (www.pedxing.co.cc)
=)

majehnta:

hello…acidentali na-open q blog mo.. i copied ur copied post about doppelganger.. thanks… mwah!

walangpagasa:

angkatotohanan.tripod.com na sya ngaun

robertlueasturias:

ayaw na po ba mag-open? di ko po alam e. they just posted it there and I dont know how true those things are. hehe, well, thanks for visiting my site. =)

mimay:

hello can i have a copy of walang pag asatripod content? the site has been removed.tnx

mimay:

hello,y i cant open the walangpagasa tripod? do u have a copy?

Gil:

Paabot mo naman sa kinauukulan ang talamak bentahan ng SHABU sa Ilaya St. Purok 7-C sa Alabang . Halos gabi-gabi may nakawan sa lugar at takot ang mga taong magsalita dahil wala rin namang hulihan na nangyayari o kaya nakakapagpiansa agad ang pusher.Tintawag ding Kalentong ang lugar na nasa likod ng dating Nestle malapit sa relis ng tren.Salamat

Ate Moja:

Hello! Check mo tong site na to. di ko alam sino gumagawa nyan… http://walangpagasa.tripod.com/

Ate Moja:

i hope you read my comment .. God bless!

lia:

halos baliktarin ko na ang web para lang sa mcarthur cover. potek. kung saan di ko inaasahan dun pa matatagpuan

lia:

i like verbo.
we dont hav any responsibility to explain things that i suppose, they suppose to know. kung dakilang bobo ka at gramatiko ako eh anoh di ba? wahehehe

Jyn:

hello! musta naman? paxenxa na ha!

reyjr:

yep, i was in UPCC for 6 years. :D I was curious why you posted that vid on your blog.

jerald:

sowi ah..antok na me….maya nlng k.l..ehehe yun pala ang storya ng tutubi….

Leave a message ▼