Nahihibang na AKO
August 27, 2007Ako'y Hibang sa Awit
Music by Ryan Cayabyab
Words by Jose Javier Reyes
May lamang awit ang hangin.
Kumukumpas, sumisipol.
Bubulong-bulong sa akin.
Umaatras, humahabol.
At kung sasabayan ng tinig,
Di mo naman makanta ito.
Siguro nga'y hibang ang himig
Nitong awitin sa ulo ko.
May tulang taglay ang hangin.
Sumisigaw, umuugong.
Katyempo ang kurap ng bituin.
Sumasayaw, gumugulong.
Ngunit kung sasabayan ng puso,
Di mo mahuli ang tono.
Siguro nga'y ganitong umibig,
Umaawit, parang luku-luko
Ano ba `tong nangyari sakin?
Nauutal, nabubulol
Nagpupumilit na umawit
Ngunit dila ko'y nagkanda-buhol
Pero kung sasabayan ng isip,
Di mo mahuling talaga.
Siguro nga'y ito ang pag-ibig
Na pilit kong ginawang kanta.
May lamang awit ang hangin.
Kumukumpas, sumisipol
Bubulung-bulong sa akin.
Umaatras, humahabol
At kung sasabayan ng tinig,
Di mo naman makanta ito.
Siguro nga'y hibang ang himig
Nitong awitin sa ulo ko.
May tulang taglay ang hangin.
Sumisigaw, umuugong
Katyempo ang kurap ng bituin.
Sumasayaw, gumugulong
Ngunit kung sasabayang ng puso,
Di mo mahuli ang tono.
Siguro nga'y ganitong umibig,
Umaawit na parang luku-luko
Umiikot, sumisirko,
Damdami'y di mapalagay.
Lumilipad ang puso ko
Sa awit na aking tangay.
Umiikot, sumisirko
Damdami'y di mapalagay
Lumilipad ang puso ko
Sa awit na aking tangay


