ang FISHBALL sauce ko, patikim?
August 28, 2007Inhale
Exhale
Inhale
Exhale
Palabas na sila ng Iskwela,
Akala niya ay isang pangkaraniwang pag-uwi lamang ang gabing iyon,
lalabas ng gate, ngingiti kay MAnong Guard at ihahanda ang sarili para hindi maholdap ng mga mapanganib na elemento sa Maynila.Nakasabay niya si Quin, isang kaibigang nakakiligan din niya noon. May malaki itong bahagi sa kaniyang puso, di nga lang niya kayang maibulalas.
Quin: Fishball tayo
Neri: Cge, libre mo ko.
Quin: haha, di ka pa rin nagbabago. Tara.
Habang naglalakad sila sa kalsadang naging kaibigan na rin niya nang ilang taon ay napatingin siya sa mga bituin.
"Nakakapanibago" ani Quin
"Bakit naman," sagot ng nagmamaang maangang si Neri.
"wala naman, tingnan mo, di pa rin nagbabago yung lasa ng Fishball" sabi ni Quin.
"Oo nga, ewan ko kung anung hinahalo ni manong. Siguro nasa sauce" napangiti siya nang may nagpagtatakang nasabi ni Neri ito.
"Tara, upo tayo dun."
"San?"
"Dun O, sa may tabi ng bakery."
"Sige"
at ang bawat minutong lumipas ay nagmistulang mumunting galak na nabubuo at nahahanda nang maramdaman ng dalawang nilalang.
Tumingin si Neri sa kaniyang relo, pero nabanaagan lamang niya ito, naghahanap siya nang oras sa kaniyang relo pero wala siyang nasumpungang sagot. tanging tik tak nito ang tanging tumugon. "MAy relo ka pa" waring sagot ng mga kamay ng nito.
hawak pa rin nila ang stick ng fishball. naroon pa rin si manong guard. naroon pa rin si Nanding, ang fishballs at ang sauce, naroon pa rin ang mga bituin, ang buwan, ang payapang langit, at ang mapanghalinang haplos ng hangin sa gabi.
pinunasan ni Quin ang natirang sauce sa gilid ng kaniyang labi.
sa pag-uusap nila'y nalakaran muli nila ang pasilyo ng kanilang paaralan nung highschool; muli nilang natikman ang unang JS; muli nilang nalasap ang gulaman na sabay nilang iniinom habang nakatanaw sa palubog na araw; muli nilang nahawakan ang sulat kapwa nila sa isa't isa; muli nilang nadama ang una nilang "kilig."
gabi na, puno pa rin nang masasayang ala ala ang paligid nila.
Neri: ganun ba?
Quin: Oo ganun nga.
dahan dahan niyang pinunasan ang kaniyang mga luha. puspos ng awa, at pang hihinayang.
Lumapit siya sa tabi at nagsabi, "mahal naman kita e, ayoko lang ipakita"
lumapit si mang nanding, "o, gabi na una na ako. umuwi ka na. baka maholdap ka pa dito. Nag-iisa ka pa naman"
"Masaya naman mag-isa di ba?" iiling iling na tinulak ni Nanding ang kariton ng Fishball.
Verbo
Naghukay ako sa blog site ko sa friendster, tinamad akong gumawa ng bago kaya eto, copy-paste mode muna ako.
As time goes by, many people, friends, colleagues, and acquaintances always seemingly ask me, why did I always tend to write or create posts and write-ups using the not so familiar or “out of this world” Filipino language. When they read my creations, they sometimes go crazy to understand the things, ideas and words they sometimes called “understandable.”
Well, haha. Sometimes, I refuse to answer them right away. First I ask my self. Do I need to explain all the things that I do, act or say? Do I need to keep on staying on the probable norms of every individual that I encounter in my life? Is it my responsibility to elucidate to you all the words that comes from my mouth? And the weird things that pop on my weird wits, maybe all those things are unmanageable, involuntary.
I remember, when I was in Secondary level of “learning”, my classmate told me, “Hey Robert, I come to think on the idea that maybe in the near future I will see you shouting at Mendiola, wearing black t-shirt and having some stubborn wounds, blood”/”Hoy Robert, alam mo naisip ko, pagdating nang araw, makikita kitang sumisigaw sa Mendiola, nakusuot ng itim na t-shirt at mayroong mga di matanggal na sugat, dugo.” He said that maybe because he and all my classmates back then are always used on my profound Filipino words. I cannot blame them, merely because like what my Professor in Physics 1 said “…naging estudyante ko, ayun natuto nang magsalita ng malalim na tagalog, tas ngayon namundok na.”/ “… she is one of my students back then,then she knows how to speak peculiar weighty tagalog words, and know she is in the mountain.”
I do not know where they get their thinking that only the activists have the right to choose those words. And relatively, we might go on to the conclusion that for you as a normal citizen of the republic, you shouldn’t be inclined speaking with those kinds of philosophical or heavy tagalog words. That principle is truly weird for me.
One of the things that really bump my head every time I read our High school memorabilia, is the part of the book wherein some informal recognition was stated. And the part where citations for special students with special character where highlighted and will be passed to the next batch.
One of the lines stated there was: “Ang katatasan naman ni Robert Lue Asturias sa Wikang Filipino ay muling makikita kay… (I forgot the name of the guy)” And for that, maybe I should be proud of. To God be the Glory of course.
And that is me, should I say, like music those kinds of creations, essays, editorials, poems, short stories and writings that I made are like sweet melody into my ears when they are used with a bulk of figures of speech in the Filipino background. I am a kind of a writer that do not tend to spoon feed my reader. Sometimes, I should use those words to let them come to think on the unseen truth beneath them, and let them realize that they are a part of the ink I used in writing those creations. Judge it not with your eyes, but with the heart that can see the deepest meaning of a word.
Each and eveyone of us has strengths and weaknesses. But beyond all of this things one thing is Important. You should use these things in building the better you, touching someone's life and making it worthy in the Eyes of the Creator.
Nahihibang na AKO
August 27, 2007Ako'y Hibang sa Awit
Music by Ryan Cayabyab
Words by Jose Javier Reyes
May lamang awit ang hangin.
Kumukumpas, sumisipol.
Bubulong-bulong sa akin.
Umaatras, humahabol.
At kung sasabayan ng tinig,
Di mo naman makanta ito.
Siguro nga'y hibang ang himig
Nitong awitin sa ulo ko.
May tulang taglay ang hangin.
Sumisigaw, umuugong.
Katyempo ang kurap ng bituin.
Sumasayaw, gumugulong.
Ngunit kung sasabayan ng puso,
Di mo mahuli ang tono.
Siguro nga'y ganitong umibig,
Umaawit, parang luku-luko
Ano ba `tong nangyari sakin?
Nauutal, nabubulol
Nagpupumilit na umawit
Ngunit dila ko'y nagkanda-buhol
Pero kung sasabayan ng isip,
Di mo mahuling talaga.
Siguro nga'y ito ang pag-ibig
Na pilit kong ginawang kanta.
May lamang awit ang hangin.
Kumukumpas, sumisipol
Bubulung-bulong sa akin.
Umaatras, humahabol
At kung sasabayan ng tinig,
Di mo naman makanta ito.
Siguro nga'y hibang ang himig
Nitong awitin sa ulo ko.
May tulang taglay ang hangin.
Sumisigaw, umuugong
Katyempo ang kurap ng bituin.
Sumasayaw, gumugulong
Ngunit kung sasabayang ng puso,
Di mo mahuli ang tono.
Siguro nga'y ganitong umibig,
Umaawit na parang luku-luko
Umiikot, sumisirko,
Damdami'y di mapalagay.
Lumilipad ang puso ko
Sa awit na aking tangay.
Umiikot, sumisirko
Damdami'y di mapalagay
Lumilipad ang puso ko
Sa awit na aking tangay
Monte sa Lupa, Aking Minumutya
August 17, 2007Naglalakad na ako pauwi mula sa Lokal. Umaambon pero di na ako nagpayong, hassle. Papunta na ako sa mercury drug para aliwin ang aking sarili, para bumili ng aking kinaaadikan nitong mga nakalipas na araw, Cloud 9.
lumabas akong malungkot dahil walang Cloud 9 sa loob, papunta na akong Mightee Mart para subukan namang doon maghanap ng aking sweety thing nang bumulaga sa akin ang isang malaking tarpaulin
"We will work together to make a Better Muntinlupa. –Mayor Aldrin San Pedro"
kulay Dilaw ang background, at naka tindig ito sa dating kinatatayuan ng Family Picture ni Fresnedi Nuon na naging freedom board na rin sa ibang nagpapapansin na business firms.
Muli na namang naglikot ang aking makulit na kaisipan at nanghinayang sa nasunog na munisipyo ng Muntinlupa. Medyu kakaiba ang mga nangyayari sa lungsod, simula nang mapalitan ang alkalde ng lungsod e mistulang nagbabagong bihis ang Muntinlupa. Kulay berde, to be specific, dahil green ang theme ni Aldrin.
Nakakalungkot dahil medyu napamahal na rin sa akin ang munisipyo, maliban sa halos araw araw kaming nagkikita dahil trapik sa tapat nya palage, e madalas kami dito noong ako e nasa elementary at Highschool pa. dito kase dinadaos ang mga contest achuchuchu..
Narito ang ilan sa mga dahilan umano ng pagkasunog ng munisipyo ayon sa nasagap kong tsimis, este balita, (paunawa: ang ilan sa mga babanggitin ay walang katotohanan, bunga lamang na malikot na kaisipan, mula sa )
- Arson, sinadya umanong sunugin ang Munisipyo dahil sa ilang anumalyang unti-unting natutuklasan ng kasalukuyang administrasyon mula sa kampo ni Fresnedi
- Isang aksidente umano ang nangyare, dulot ng pagkasunog ng mga kabahayan sa likod ng Munisipyo
- May natagpuang make-up kit si Aldrin sa Office of the Mayor na pag-aari umano ni Fresnedi?
- May nakapasoki umanong mga HATOR sa loob ng munisipyo.
- Naglaro umano ng lutu-lutuan ang ilang staff bunga ng pagkabagot sa paghihintay ng ending ng Jumong
- May nakapagsabi naman na balak lang magkaroon ni Aldrin ng magarbong munisipyo, kaya ayun, saya!
Too much for those craps.
Just Read these News posted days ago for more informations regarding this matter.
Dagdag na pulis sa Munti hiniling sa Malacanang
from GMANEWS.TV
08/06/2007 | 01:19 PM
Habang pansamantalang pilay ang operasyon ng lokal na pamahalaan dahil sa sunog nitong Biyernes, hiniling ni Muntinlupa City Mayor Aldrin San Pedro sa Malacanang na dagdagan ang mga pulis na nakatalaga sa syudad upang mapanatili ang kapayapaan sa lugar.
Ayon kay San Pedro, malaki ang hinala niyang ang dalawang insidente na naganap noong mga nakalipas na linggo ay nilalayong maantala ang operasyon ng lungsod.
Hindi na ipinaliwanag ni San Pedro ang dalawang insidente na tinutukoy. Nang mga nakaraang buwan, si City Administrator Roberto Bunye, pamangkin ng tagapagsalita ng Pangulo at dating alkalde ng Muntinlupa na si Ignacio Bunye, ay nabaril at nasugatan sa isang pananambang.
Ang isa pang insidente ay ang sunod sa city hall na tumupok sa mga opisina na may mahahalagang dokumento.
"I will ask her to augment the PNP forces here. Almost a month after I took office, there have been at least two incidents here," sabi ni San Pedro sa isang panayam ng dzRH radio, ilang sandali bago ang nakatakdang pagbisita ni Pangulong Arroyo sa mga lugar na nasalanta ng sunog.
Nitong Linggo, sinabi ng alkalde na may hindi kilalang lalaki ang tumawag sa kanya at nagsabing susunod na ang public market, na marahil ay susunugin din.
Ang sunog sa munisipyo na umabot sa general alarm ay nagsimula bandang 11:30 ng umaga noong Biyernes at naapula bandang alas-3 ng hapon.
Ayon kay San Pedro, naganap ang mga ganitong insidente matapos simulang tingnan ng kanyang administrasyon ang mga anomalya ng nakaraang panunungkulan ni Mayor Jaime R. Fresnedi.
Sa Muntinlupa public market lamang diumano, tumaas ang kita ng lungsod mula P40,000 kada araw hanggang P200,000 kada araw bunga ng pagsasaayos nila ng mga transaksyon doon.
"Now that we're cleaning up the transactions of the past administration, the incidents started. I suspect those behind the irregularities don't want us to find out, so they're trying to distract us," aniya.
Inutusan ni San Pedro ang lokal na fire department upang imbestigahang mabuti ang naganap na sunog.
Batay sa isang ulat na nakarating sa kanya, may isang tao ang dinala na sa presinto upang imbestigahan matapos hamunin ang isang empleyado ng munisipyo na bayaran siya kung ayaw magkasunog sa lugar.
"We picked up the guy for questioning after he told an employee of city hall to 'massage' him (masahehin mo ako) or there will be a fire," aniya.
"I told the local fire chief to dig deeper and see if there are personalities behind the fire," idinagdag nito.
Humingi na rin ng karagdagang pondo ang mayor sa Pangulo para sa pagpapatayo ng bagong munisipyo sa Filinvest Alabang.
Idineklara na ng lungsod na nasa state of calamity ang munisipyo.
Sinabi ni San Pedro hindi makakikilos ng maayos ang mga empleyado sa city hall matapos ang sunog, bagamat may mga ginawa na silang hakbang upang magpatuloy pa rin ang operasyon ng lungsod.
"At least each department has functioning staff. Operations will not be totally paralyzed, we made sure of that last weekend," paliwanag niya.
More? eto pa
From http://www.muntinlupacity.gov.ph/
NEW CITY HALL TO GO UP IN MUNTI
Priority project is centerpiece of San Pedro agenda on good governance
July 31, 2007 – Tuesday
News released courtesy of Public Information Office
For ref: Please call Tez Valencia at 862-49-26
If things go according to plan, by next year, Muntinlupeños will be transacting business with the City Government in relative comfort – inside the comfortable confines of a spanking new City Hall.
Muntinlupa City Mayor Aldrin San Pedro revealed this and several other priority projects which he intends to implement in the next few months during a department heads’ meeting recently.
San Pedro cited the need for a new City Hall that will be adequately equipped with telecommunications equipment, up-to-date and user-friendly facilities, provisions for future expansion, and access to the disabled.
The new building, according to San Pedro, is intended to reflect the values of transparency and good governance, which are the prime agenda of his administration.
The mayor is aiming for the construction of the new City Hall to start early next year.
Plans are also being considered for the relocation of the National Statistics Office (NSO)-Muntinlupa Satellite Branch to a bigger building that can comfortably accommodate the hundreds of applicants who transact business with the NSO everyday.
The NSO-Muntinlupa serves Muntinlupeños as well as residents from San Pedro, Biñan, and cavite who come daily of its services.
San Pedro is also planning to rehabilitate the National Road with new asphalt overlay and street lighting in the coming months as part of his program to improve the City’s main road artery from Tunasan to Alabang.
Medyu ala Darna naman ang pangulo at super to the rescue sa nasunog na munisipyo
http://philstar.com/index.php?Metro&p=49&type=2&sec=26
GMA donates P50 M to Muntinlupa
By Rhodina Villanueva
Tuesday, August 7, 2007President Arroyo has extended a P50-million donation to Muntinlupa City following a fire that razed the city hall and nearby houses last Friday.
Mayor Aldrin San Pedro said the President, who was in Muntinlupa yesterday to check on their situation, immediately ordered the budget department to produce the amount so that the city government will be able to use it for rehabilitation and repair activities.
“The said amount falls part of the Special Allotment Release Order. Around P35 million will be used in the repair of the city hall while the remaining P15 million will be used to purchase equipment as well as other facilities necessary for the resumption of the normal operations of the city government,” he said.
He said the restoration of the burned building will be undertaken within 45 days.
The funds, according to Malacañang, will be sourced from the calamity fund under the 2007 national budget.
The President called for a deeper probe into the cause of the fire. She was accompanied by Vice President Noli de Castro, Metropolitan Manila Development Authority Chairman Bayani Fernando, Budget Secretary Rolando Andaya, MMDA General Manager Robert Nacancieno and Muntinlupa Rep. Rufino Biazon during her visit in the city yesterday.
Andaya said the funds will be released as soon as construction starts. He said he was informed by San Pedro that it would take around two and a half years to complete the reconstruction of the city hall building.
Andaya assured Muntinlupa officials that the national government can provide them with more funds if the P50 million turns out to be insufficient.
The blaze, which reached the general alarm, broke out at about 12:05 noon Friday. It also affected nine houses behind the city hall building. It was estimated that the damage caused by the fire was more than P100 million. At least five people were hurt in the fire.
Arson investigators initially reported that faulty electrical wiring originating from a post near one of the burned houses, caused the blaze.
However, San Pedro said the police is now investigating a former city hall employee who was heard saying to another employee, “Masahihin mo nga ako at baka mamaya ay may sunog na ulit (Massage me or there might be another fire).”
“He could be joking but we can’t just let that comment go unnoticed. He will be subjected to further investigation,” San Pedro said, adding that they cannot yet divulge the identity of the person.
The official also expressed alarm over a phone call received by policemen at the Alabang precinct last Friday that the arsonists’ next target is the city public market. “That is why a heightened alert was also declared in the market area and I have ordered the deployment of a number of firemen there,” he said.
San Pedro said a chemical analysis of the ashes and fire debris is also being undertaken since this will help investigators determine what really triggered the blaze.
He already gave the city architect instruction to immediately prepare the design for a new city hall building they are planning to put up at the Filinvest area in Alabang.
For the meantime, several of the city’s offices will be housed in another building within the city hall complex. – With Marvin Sy
kaya Ingat lang mga kabisyo, at maghanda sa mga susunod na mangyayari, malay mo may makakita naman kay Godzilla na sinisira ang Festival Mall o kaya naman e matagpuan si King Kong na binibira ang Metropolis, o di ba. Saya!
Juwan aneks Juwisa (i)
August 15, 2007Agosto, buwan ng wika. Buwan na nagbibisibisihan ako sa iba't ibang aktibidades ar palatuntunan sa eskwela nung HS. pero bago natin sariwain at ipagdiwang ang marangya at mayamang wika ng ating sintang Pilipinas, narito muna ang aking panimulang panunuluyan sa inyong maharot na langaylangayang kaisipan. . .
>>> dalawang Hunkistang men nagchichiswisan:
Macho: Buket di mo chinuva yung girlalet? Malaki naman ang susey ng lola mo ah
Hunk: Bet nga dude sa juging o dedelyas susey ever, melanie marquez naman sa brainwaves, wis na…
>>>Jaworski (while coaching):
Ok pudlaterz, kiver sa kalaban, just focus, wis natin afford na ma-out sa banga. O ikiws, ishoot mete yung last free throw anetz..Getlakin nyo ung last freetrow. Windangin yung mga julaban. Ok getsungin ang gold to the highest level mga churva! Gow lang.
Valer kuberch
Valer kuberch
kahit jutay
ang julamantrax donchi
ay anek-anek!
Nyongkamas
at nutring,
nyogarilyas
at kipay
nyitaw, nyotaw, jutani!
Kundol, jutola,
jupot jolabastrax,
at mega join-join pa
jobanox, nyustasa!
Nyubuyax, nyomatis,
nyowang at luyax
and around da keme
ay fulnes ng linga!
-bahay kubo, gay version
Patunay lamang ito na ang Wika ay buhay…
Carry pa? =)
:::Kwentong DragonFLY:::
August 10, 2007
turn edit on. edit page title. the pilgrim. basura. bura. isip.
…
pagkatapos ng tatlong tuldok na yun, wala pa rin akong na isip.
isip ule.
…
kwentong tambay
edit page title. tipa. kwentong tambay
d pede. d namn ako tambay, adventurous nga ako dba.bura ule. basura.isip
…
tutubi.weird.
tuldok. tuldok. tuldok.
…
oo nga tutubi. tama.
biglang nanariwa sa aking isipan ang isa sa mga paborito kong nobela. Ang Tutubi Tutubi, Wag Kang Magpahuli Sa Mamang Salbahe. nagkatagpu kami ng nobelang ito nung nasa high school pa ako. enjoy cia basahin. isang nobela ni Jun Cruz Reyes na ginamitan nya muli ng estilong satire gaya ng kanyang maikling kwentong utos ng hari.
Tutubi, Tutubi, Wag Kang Magpahuli sa Mamang Salbahe (UP Jubilee Student Edition)
Ni Jun Cruz Reyes
University of the Philippines Press
Copyright 2004
ISBN: 971-542-448-1
5×8, 224pp
Ang Tutubi, Tutubi, 'Wag Kang Magpahuli sa Mamang Salbahe ay pagtatangka ng awtor na isalaysay ang mga unang araw ng batas militar "sa panahong hindi puwedeng sabihin nang deretso ang nasa isip." Bunga ito ng kanyang eksperimento sa paggamit ng satire upang masabi ang bawal "nang hindi makakagalitan" o sa paraang matatawa lang ang nakarinig (mula sa Paunang Salita ng may-akda). Nanalo ang nobelang ito ng grand prize sa Palanca noong 1982. Unang inilathala ng New Day Publishers noong 1987, nagkamit din ito ng National Book Award mula sa Manila Critics Circle.
kapanapanabik ang mga eksena sa bawat pahina ng nobela. d pa ako nabubuhay nung martial law. at di ko sinubukang mangarap sa mga oras na iyon na bawal kang magpagabi sa lansangan. aba di pwede Iyon ngayun ano. baka kada may function e nasa kulungan ako kinabukasan. kaya sapamamagitan ng nobelang ito e parang nakarating na rin ako sa bahaging iyon ng kasaysayan. nag ala tv show na "Bayani" na naman ako habang nag-iisip. masyadong malayo ang narating ng nobela. may paliguy liguy.
may mga tagpong nakakatawa. ang mga karanasan nya sa kamay ng mga pulis; ang paglalakad niya sa maynila. Nang mapansin niyang CCP na ang dating bahagi ng anyong tubig. naroon ako. nang mag-isa siyang manuod ng sine. nang kumain siya nang mag-isa sa karinderia at naharas siya ng isang matandang puta. naroon din ako. Nang ikwento nya isa-isa ang mga kaibigan niya, at nang dahil sa gutom ay kumain sila ng kangkong sa tabi ng kaibigan niya, naroon ako. nang himatayin na si Jojo dahil sa sobrang gutom, naroon ako. Sabi sa inyo may pag ka bayani program ang mga eksena e. at marami pang masasaya at malulungkot na tagpo sa nobela. Basahin nyu na lang at tiyak maeenjoy Kayo.
well, dun ko hinugot ang bagong titulo ng blogsite kong ito.
pero may twist,
nitong umaga kase, naalimpungatan ako dahil sa balasubas kong pusa. nagising ako dahil sa likot niya sa kama ko. nagising ako, at nakita kong may kagat na tutubing kalabaw sa bibig si migs. hayop na pusa, parang di pinapakain. napaisip din ako bigla, napatigil. pinapakain ko nga ba cia? ilang sandali akong natunganga.
sinampal kong muli ang sarili ko. sinaway ko na rin si migs habang masaya niyang pinaglalaruan ang tutubing kalabaw.
wala nang malay ang kawawang tutubi.
nag-orasyon na ako.
matapos ang ritwal, pinagmasdan ko muli si migs habang pinaglalaruang walang sawa ang tutubing wasak wasak na ang pakpak. anu nga ba naman ang laban ng pakpak niya sa matatalas na kuko ni migs. walang awang hayup laban sa walang buhay na nilalang.
matapos ang pagninilay, napabuntong hininga ako. nasabi kong mukha rin pala akong tutubi, mahina, walang magagawa. walang magagawa kung wala ang pakpak. di makalipad, kung walang pakpak. di makalaban kung wala ang pakpak.
di man ako maya,di man ako agila. makalilipad din ako.
di man ako monkey-eating eagle, makalilipad pa rin ako gaya ng australian hawk
di man ako si pigeotto, kaya kong lumipad gaya ni butterfree
di man ako gaya ng kalapating pinapakawalan pag may kasal, alam ko makalilipad , ako gaya ng love birds na nakalilipad pag pinapakawalan sa hawla ng makukulit na kapit-bahay namen.
pero alam ko kaya kong lumipad ng mataas, gaya ng mga pulang tutubi sa PUP na nakaaabot lampas 6th floor, mga mala mulawin.
kaya kong makalipad kahit mahina ang pakpak. basta't may tumutulong sa akin.
mararating ko ang narating ng kaibigan kong agila at maya.
kaya kong lumipad.
| Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon sa nagpapalakas sa akin. |
| Mga Taga-Filipos 4:13 |
| Ang Dating Biblia |
wag lang akong magpapahuli sa pusang salbahe.
edit on. edit page title.
Tutubi, Tutubi 'Wag Kang Magpahuli sa Pusang Salbahe











