Home » Post Item » Merror + Fud + EB = Layf

Merror + Fud + EB = Layf

July 3, 2007

Hindi na siguro makukumpleto ang tanghalian ng isang Pilipino, kung di siya nakakapanood ng isang variety show.  Sa Pilipinas lamang tumatagal ang isang variety show na halos bumibilang pa ng 25 pataas na taon sa ere. 

Masarap nga namang kumain na habang nabubusog ka na, ay pansamantala ka pang nakalilimot sa iyong mga problema dulot ng isang programang nakadudulot ng isang masarap na ngiti sa iyong mga labi.

Minsan, napatigil ako sa isang carinderya, natural may mga ulam, may kanin, at may telebisyon. Pero nagtanung ako sa sarili ko nang may makita akong isang salamin sa loob. 

may barberya din ba sa loob?

Ewan

E bat may malaking salamin?

Para siguro makita kung gaano kalaki ang subo 

**tawanan

Siguro nga  

Pero bat ganyan kalaki? Parang pang parlor.

E siguro ay may sideline yung karinderya sa tanghali, sa gabi, parlor. ganun lang. Simple lang diba?

Huh? weird.

Nagtataka lang ako dahil sa halos lahat ng karinderya na naraanan namin ay may mga malalaking salamin sa loob.

Nagnilay. Ngumiti.

Siguro nga, kailangan ang salamin. Dahil ang Buhay ay isang variety show.

Sa Variety show, masaya ang buhay. parang walang lugar ang pagmumukmok. Parang buhay mo. parang buhay ko. Na sa Araw araw ay kailangan mong isuot ang ID mo, este ang isang masayang ngiti. Dapat daw nakangiti palagi, para swertehin sa buhay, para manalo sa LAban o Bawi o sa On the Spot Jackpot

Sa Variety Show, hindi mo alam kung ano ang ilalabas ng mga roleta. di mo alam kung anung swerte o kamalasan ang ilalabas ng mga araw mo. Minsan maganda, pero sa isang mahirap, swerte na kung may matanggap kang limang daang piso pauwe.

Sa Variety Show, walang puwang ang antok. Dahil kapag inantok ka sa buhay, wala kang mapapala. kahit mga kangkong sa sapa e di ka uubra. bawal maging tamad, bawal antukin.

Sa Variety Show, maraming tanung na dapat sagutin para manalo, para magkaroon ng direksyon ang buhay mo kailangan mong sumagot sa mga tanong na magdidikta ng paroroonan mo. kung tataktak ka ba o tatakbo.

Sa Variety Show, may baon ka dapat na talino, kung hinde baka english lang ng yungib ay di mo pa alam. kahit kapirasong talino dapat mayroon ka, dahil baka di mo na namalayan na laslas na pala ang bag mo, wala ka na ngang cellphone, wala ka nang pera.. kumalat pa sa kalsada ang make up kit at mga gamit na laman ng bag mo.

Sa Variety Show dapat may sponsor ka ren. kailangang magpatalastas. mambola ng manonood. kailangang ita tak sa isip ng nakasalubong mo na ang sabong A ay mas magaling kaysa kay sabong B.

kailangang bolahin ang tao na ang pananaw ko ay tama at mali naman ang sa iyo dahil ang pananaw mo ay mali.

Na kailangang araw araw ay mapaniwala mo na ikaw si superman at kaya mong baliktarin ang ikot ng elektric fan.

Sa Variety show, meron ding drama. gaya ng buhay mong puno ng kadramahan. Na pwede nang ipantay sa dramathon sa Hapon.

Sa Variety Show ang tangi mo lamang anting anting ay ang lakas ng loob at gabay ng Poong Maykapal upang manalo at mag uwi ng limpak limpak na papremyo at salapi. Isang supot at isang sakong Lakas ng Loob at Siyempre ang walang kapantay na paggabay ng MAykapal upang mapagtagumpayan mo ang malalaking hamon ng Variety Show ng iyong Buhay.

Nalaman ko na kung bakit may salamin, kung bakit may telebisyon, may kanin at ulam, at isang variety Show.

Na sa tuwing isusubo mo ang pagkain na buhay ng iyong katawan ay malalaman mong Aba! Variety Show ang palabas sa Salamin.

 

Posted by robertlueasturias at 2:10 am | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








     

July 2007
M T W T F S S
« Jun   Aug »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

aQo- Unknown object

 

Everytime I answer queries on which how do i describe myself, I find it always as a  hard task. I think  pen and paper will not enough for you to spell out yourself, your likes, your dislikes, your imaginations, your beliefs, your faiths, your wants, your emotions and the whole you.

 ~

anyways, ill try to draw myself, and paint it using my eronous thoughts.

~

the PILGRIM

 at my very young age, i should say that i have plenty of travel accross different places,

from wishes to ideas, from factual to embroidered stories of people that surrounds me, from old time religion to irrevocable science, from potent myth to history, from powerful dreams to facts and from my triumphant hopes to my cheerful experiences.

Those things I always treasure. All of the things I encountered in my life builds me. And all of my experiences in my journey in life molds me.

i love to write, to tell stories (and embroider some.) I love to fly and reach the dreams that i had last night.

 

 

 

 

Recent Photo

Bro. Eli dot Blog

MyBlogLog

itmFlickrSlideShow

SiteMeter

I Shout You Shout!

Investasi Emas:

http://oxykita.blogspot.com/2011/12/investasi-emas-best-review.html
http://socialmediauncovered.blogspot.com/2011/12/pustaka-bisnis-investasi-emas.html
http://socialmediauncovered.blogspot.com/2011/12/investasi-emas-info-banyumas.html
http://aashari.blogspot.com/2011/12/investasi-emas-broker-link.html

pacquiao vs margarito:

watch pacquiao vs margarito fight this nov. 13. visit my site: http://pacquiaovsmargarito.eztvstream.com

Philwebservices:

keep on posting…

eztvstream:

nice blog. keep it up.
watch your fave tv shows @ eztvstream.com

robertlue:

woah! kumusta nikko! Salamat sa pagdaan. I’ve also checked your site. It’s great! Good luck!

Nikko Zabala:

Hi robert cm8t u din me nung elemntary hehe.. gudluck sa tinatahak mong landas ^^ hehe

robertlueasturias:

oi mica! oo naman baket?

Mica San Pablo:

oi robert, ntatandaan mo pa ba ako? klasmeyt mo nung elementary.. tagal naqng ngahahnap ng contact sa inyo..

reyjr:

hey kumusta na? napadaan lang ulit.

eych:

sabi ko sayo, maganda nga. !!

eych:

nice site! salamat sa pagvisit sa Pedestrian Crossing (www.pedxing.co.cc)
=)

majehnta:

hello…acidentali na-open q blog mo.. i copied ur copied post about doppelganger.. thanks… mwah!

walangpagasa:

angkatotohanan.tripod.com na sya ngaun

robertlueasturias:

ayaw na po ba mag-open? di ko po alam e. they just posted it there and I dont know how true those things are. hehe, well, thanks for visiting my site. =)

mimay:

hello can i have a copy of walang pag asatripod content? the site has been removed.tnx

mimay:

hello,y i cant open the walangpagasa tripod? do u have a copy?

Gil:

Paabot mo naman sa kinauukulan ang talamak bentahan ng SHABU sa Ilaya St. Purok 7-C sa Alabang . Halos gabi-gabi may nakawan sa lugar at takot ang mga taong magsalita dahil wala rin namang hulihan na nangyayari o kaya nakakapagpiansa agad ang pusher.Tintawag ding Kalentong ang lugar na nasa likod ng dating Nestle malapit sa relis ng tren.Salamat

Ate Moja:

Hello! Check mo tong site na to. di ko alam sino gumagawa nyan… http://walangpagasa.tripod.com/

Ate Moja:

i hope you read my comment .. God bless!

lia:

halos baliktarin ko na ang web para lang sa mcarthur cover. potek. kung saan di ko inaasahan dun pa matatagpuan

Leave a message ▼