Isang Araw at Anim na Hamog
June 26, 2007Naglalakad ako sa isang eskenita sa ilalim ng isang nakatirik at nangangaso ngasong araw. Waring sa bawat paghakbang ng aking paa ay isang nakapupugnaw na hangin ang humahampas sa magkabila kong pisngi. Di pa rin nagbabago, gaya pa rin ng dati. kasabay ng pag-indayog ng aking mga kamay sa paglakad ay gayon ang isip at diwa kong kumakandi kandirit.
Tinalunton ng malikot kong diwa ang hamog na madalas kong kausap noong bata pa ako. Ang hamog na taga aliw ko sa tuwing pinapalo ako ni ama dahil sa pagtawid ko sa "kabilang pader." Nananabik ako sa kanya na
makitang muli. sa kanya na masugid kong taga pawi ng hapo at hapis; sa kanya na ka ala alakbay kong lagi sa tuwing inaabangan ko ang pagsikat ng haring araw sa laguna de bay at sa tuwing binibigkisan ako ng kaligayahan ng hanging nagpapalipad sa aking saranggolang gawa sa tingting at diyaryo.
Ang hamog na Iyo'y naging katuksuhan ko. Sa tuwing halos isumpa ko na ang ilan sa asignatura ko noong ako'y nasa mataas na paaralan. Ang hamog na minsa'y naging kapayapaan ko sa gitna ng unos at nagsasalimbayang bugso ng hangin. Ang hamog na pinaglagakan ko ng aking lihim sa isang mayuming Cleopatrang sinisinta.
Napabalikwas ako. Nabalik sa tunay na daigdig ko. Nabalik ako sa sarili kong baro. Sa baro na yari sa pawid at nadadarang sa init ng araw.
Lumubog ang araw at sa pagtatakipsilim. Napaluha akong mainam. namasdan kong may nakamasid. Pinunasan kong marahan ang aking inihihibik hibik. nakausap ko matalik kong kaibigan, nagalak ako, nakausap ko muli ang kinasasabiksabikan kong lubos, ang hamog.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
Add a comment


