HIBLA
June 19, 2007Dahil malapit ang lugar namin sa laguna de bay naging usap usapan na sa aming barangay na may namamahay na isang maganda mayumi at mahinhing diwata sa tabi ng lawa at masayang nakikipaglaro at nakikipagkantahan sa mga batang anak ng mangingisda tuwing sasapit ang kabilugan ng buwan.
Pero wala siyang kinalaman sa post kong ito. wala lang maiba naman.
Muntikan na naman akong mahuli sa klase ko sa CEA dahil sa walang kapararakang dahilan. wala na naman akong
maisuot. Palagi na lang kaming nag-aaway nang nanay ko pagdating sa isusuot ko. Palagi na lang wala akong damit. pero palagi naman akong sinasagot na marami dyan sa kwarto nyo, hanapin mo lang. oo tama nga sila, may mga t shirt, polo, sando, at poloshirt sa kwarto namen. kahit yung mga ibat ibang damit na di ko na naisusuot e nakatambak pa rin sa kwarto namen. yung mga longsleeves, uniform sa choir, uniform sa rotc at kung anu anu pang maituturing na ngang pang rampa na.
pagbaba ko naman nang bahay, nirereklamo ko din yung sapatos ko. wala akong sapatos. parang hinahanap hanap ko palage e yung bago. kakaiba. at siyempre astig na sapatos. pero wala e. wala kaming pera. kaya tiis tiis lang.
kapag mga ganoong panoorin ang makikita mo sa bahay, asahan mo nang lalabas akong parang karakter sa star wars o kaya naman e parang kung sino na may susuguring tambay sa labas.
wala akong magagawa, ganun talaga ang buhay. isang buhay na parang isang napakalaking pasan. parang isang malaking krus na dala dala ko with matching nagbubutil butil na pawis.
dahil nga sa pagmamadale na baka ma late na naman ako at bilangan na ako nang prof ko nang one to ten, gaya nang ginawa ng refferee kay morales nang jombagin siya ni Paquiao, sumakay na ako ng Bus. Skyway. Boni-estudyante-galing-Tunasan. binanggit ko na naman ang maiksi kong bulong tuwing umaga sa loob ng bus.
Bumaba na ako sa MRT BONI. paakyat pa lang nang hagdan, nakita ko na naman iyong pulubing kumalabit sa may hita ko nang nagmamadali ako dahil midterm ko sa Integral. nakaupo siyang nakalapat ang mga binti sa sahig. natakot n naman ako. hinihintay kong tumingin na naman siya sa akin. at kung kakalabitin nya ako'y baka makaiwas pa ako. pero nagkamali ako. halos d cia nakilos na animoy wala siyang buhay, waring bukas lang ang kaniyang mata upang sabihing, buhay pa ako mga tanga!
pero biglang may kung anung dumagan sa dibdib ko. nang pagmasdan ko siyang muli, natuon ang mata ko sa telang nakabalot sa kaniya na nanlilimahid sa dumi, dungis, at baho. damit pa pala ang tawag doon. mabilis ang mga pagkilos ko paakyat nang mrt. mabilis din ang paligid dahil sa dami nang tao sa paligid at sa dami nang taong naglalakad, pero parang bumagal ang oras nang mapansin ko siya at nang mapansin kong gumalaw ang putol niyang mga binti. sa pagkakataon lang na iyon napansin ko na kulang pala ang mga bahagi nang kaniyang katawan. at napansin kong may buhay pa pala sa sulok na iyon.
Napabaling ang mata ko sa sapatos ko. napabaling ang isip ko sa suot ko. sa iniwan kong bahay at sa inugali ko..
Napabuntunghininga ako.
Nagkamali ako, pasalamat ako sa Dios, di man bago ang sapatos ko, at least may paa at binti pa ako. nakita ako ang sarili ko kanina, tanga, gago.
Sinampal ko na ang sarili ko, malelate na ako.
Previous Comments
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
Add a comment












wahaha…andami mo kayang damit…may bago ka pang sapatos…hahaha
Posted by mela at June 25, 2007, 3:32 pm