talulot: wala akong maisip
June 13, 2007+ Anu kaya kung umulan nang yelo? Matutuloy kaya ang first day high ko mamaya?
+ Anu kaya kung paggising ko nasa yesterday ako? Maniniwala kaya sila kung sabihin kong yesterday ngayon?
+ Lunch Box pa rin kaya ang itawag sa lunch box kahit lagyan ito ng fud na pang breakfast o fud na pang dinner?
+ Anu kaya kung biglang nagbrown out sa buong Pilipinas ng isang Buwan? San kaya magrerecharge ng batt ng cellphone ang mga Pilipino?
+ Kung yumaman kaya ang mga aktibista? Magrarally pa rin kaya sila?
+ Anu kaya kung payagan nang mag-asawa ang mga pari sa loob lang nang isang linggo? May matira pa kaya sa kanila? Sino naman ang magkakasal?
+ Mag rally kaya ang mga madre pag nabalitaan nila ang balita sa taas?
+ Anu kaya kung paggising ko nasa Han Dynasty ako, at may sumigaw nang: Lusubin ang Buyo! gumising pa kaya ako? baka matulog na lang ako ule.
+ Anu kaya kung isang araw ako na si Chris tsuper sa tambalang balahura at balasubas? Sumaya ka pa rin kaya pag narinig mo kame?
+ Anu kaya kung pagkatapos kong magshampoo e biglang kumulot yung buhok ko, maging masaya kaya ako?
+ Anu kaya kung maturuan kong magsalita ang pusa ko, yayaman kaya ako?
+ Kung maging isang puno kaya ako? magiging matibay kaya ako?
+ Kung maging piyesa kaya ako ng keyboard, iiwan kaya ako ng ibang nota?
+ Kung naging diyaryo kaya ako, Business page rin lang ba kaya ang maging totoo
saken?
hayyy, ewan ko… siguro hindi lang ako nakapag enervon…
sana umulan.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
Add a comment


